Skip to content

MARIAN, DENNIS sanay na sanay sa hubaran at laplapan

January 28, 2013

marian riveraNagpapatalbugan ng kissing scenes sa kani-kanilang mga soaps sina Dingdong Dantes at Marian Rivera, ha.

Ang real-life couple na sina Marian at Dingdong ay parehong hindi mapigilan sa kani-kanilang mga eksena.

Mapangahas at ayaw magpaawat ng dalawa.

Si Marian, panay ang pang-aakit at kissing scenes with Dennis Trillo sa Temptation of Wife na part ng Tele Babad ng GMA. Samantala, si Dingdong hindi rin nagpapahuli pagdating sa mga maiinit na eksena.

Siya ay naiipit ngayon sa dalawang leading lady niya sa Pahiram Ng Sandali – sina Lorna Tolentino at Max Collins sa Pahiram Ng Sandali.

Hindi na talaga mapigilan ang pagiging daring ng real-life couple na ito.

Very challenging kasi para kay Marian ang naging transformation niya bilang Chantal Gonzales sa Temptation of Wife.Kung dati ay inaapi-api siya bilang si Angeline, ngayon naman ay unti-unti na niyang ipinapatikim kina Glaiza de Castro at Dennis ang kanyang paghihiganti kaya nga number one ngayon sa primetime ang kanilang serye.

Bukod sa nakapa-sexy ni Marian bilang Chantal, ang dami rin nilang halikan ni Dennis.

Hindi naman sila nagkailangan sa mga ganitong eksena dahil ilang beses na rin silang nagkasama sa ibang proyekto.

Ayon kay Marian, malaki ang respeto niya kay Dennis at parang magkapatid na ang turingan nila sa isa’t isa.

Masayang-masaya naman ang buong cast sa matinding suporta ng mga manonood sa kanilang programa.

Pati sa kanilang mga regional trips, punung-puno ng mga fans ang kanilang mall shows.

Patunay na napakaepektibo ng kanilang pagganap sa mga pangunahing karakter sa serye.

At least walang selosan kina Marian at Dingdong, hindi ba?

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: