Skip to content

KRIS sa bagong inspirasyon: Sa akin na lang, please…secret na lang!

January 28, 2013

kris aquinoNAGDIRIWANG ang production team ng unit ni Deo Endrinal dahil sa magagandang feedbacks sa seryeng Kailangan Ko’y Ikaw, bukod pa riyan ang mataas na rating na nakuha nito sa pilot week.

Hindi na pumipik-up dati ang 9 p.m. timeslot ng ABS-CBN kaya may kaba ang team ng KKI dahil sila nga ang kapalit ng seryeng A Beautiful Affair nina Bea Alonzo at John Lloyd Cruz.

Inamin din ito sa amin ng isang TV executive, nanghinayang daw talaga sila sa kinahinatnan ng serye nina John Lloyd at Bea, “Sayang kasi iba ‘yung story, hindi typical na sigawan, sampalan, murahan, kumbaga subtle, eh.

E, hindi pala type ng Pinoy ang mga ganu’n, mas gusto ‘yung mataas kaagad ang emosyon sa umpisa pa lang.”

Ang mahal pa naman daw ng budget ng A Beautiful Affair dahil nag-shoot pa ang mga bida rito sa dalawang foreign countries, sa Vienna, Austria at Japan.

Going back to Kailangan Ko’y Ikaw, umabot nga sa times five ang rating nito kumpara sa record ng A Beautiful Affair. At nang makita namin si Kris Aquino bilang si Roxanne sa KKI kamakailan sa dressing room niya ay masaya nga niyang ibinalita na maraming bumabati sa kanilang tatlo nina Robin Padilla at Anne Curtis kaya mas lalo pa raw silang ginaganahang magtrabaho.

Samantala, tinanong namin si Kris kung isa ba kina direk Lino Cayetano at Master Chef Pinoy Edition judge Jayps ang nagpapakilig sa kanya?

Very vocal kasi ang Queen of All Media na tatlo ang crush niya ngayon.

“Naku, Regs, tama na, secret ko na lang, akin na lang please?!” pakiusap sa amin ni Kris.

Sinundot namin ng tanong si Kris ng, ano ang tingin niya kay Chef Jayps, “Bilib ako sa kanya kasi magaling siyang magpaliwanag (ng mga niluluto) kapag guest namin siya sa Kris TV,” sagot sa amin.

Samantala, dalawang linggo nang walang day-off ang Queen of All Media dahil nu’ng nakaraang Linggo ay ngarag siya sa TV guestings para sa promo ng Kailangan Ko’y Ikaw at nu’ng Sabado ay nag-shoot naman siya ng bago nilang TVcommercial ni Bimby.

At heto pa bossing Ervin, kasa-kasama ni Kris ang dalawang anak na sina Joshua at Bimby sa tuwing may trabaho siya lalo na kapag weekend para maski paano ay may bonding silang mag-iina at kapag maaga naman daw natapos ang taping niya ng KKI, Pilipinas Got Talent at Kris TV ay sinusundo siya ng dalawang bagets at sabay-sabay silang nagdi-dinner.

“Masaya na sila (Josh at Bimby) kapag sabay-sabay kaming nagdi-dinner kaya no time for love-love talaga!” sabi pa ng TV host-actress.

At maski pala gaano ka-late umuwi si Kris ay hindi pa rin natutulog ang bunsong anak dahil hinihintay talaga siya at kapag medyo maaga pa ay siya pa ang nagpapaligo sa bagets.

Kaya todo ang pagtatanggol na ginawa ni Nay Cristy Fermin sa kanyang radio program na “Cristy Per Minute” sa Radyo Singko at sa mga kolum nito kay Kris sa mga kumukuwestiyon sa pagiging ina nito sa dalawang anak dahil saksi siya kung paano nito inaalagaan at itinataguyod sina Josh at Bimby.

At dahil dito ay sobrang nagpasalamat si Kris kay Nay Cristy at pinanghihinayangan nga raw nito ang hindi niya pagsunod noon sa mga payo ni Nay Cristy.

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: