Skip to content

Ex-BF nina BIANCA, KC at LIZ UY ayaw patulan ni KRIS, nakakahiya naman daw

January 28, 2013

kris aquinoIbinuking ni Kris Aquino na agad siyang tinext nina Bianca Gonzales at KC Concepcion nang biglang lumabas ang tsismis na nagli-link sa kanila ni direk Lino Cayetano – ex-girlfriends ng direktor ang dalawang TV host na pareho namang kaibigan ni Tetay.

Tinatanong daw nina KC at Bianca kung totoong may namamagitan na sa kanila ni direk Lino.

Sa isang episode ng Kris TV, dinenay ni Kris na may something na sa pagitan nila ng direktor, at dire-diretsong nagkuwento si Kris tungkol dito, “Pero alam mo Direk, sabi ni Bianca bagay daw tayo.

Oo, sabi ni Bianca sa akin, ‘I approve, ate.’ Sabi ko, ‘Wow.’ Sa kadaldalan ko ikukwento ko na rin.

“At direk, nu’ng natsismis tayo, pati si KC tinext ako, ‘It’s true?’ Uy, lahat sila concerned, Direk! Nagtatanong talaga kung true!? Ha-hahaha!” patuloy pa ni Kris.

Pero say nga ni Kris, parang hindi naman daw magandang tingnan na idine-date niya ang ex-BF ng kanyang mga friends, “Kasi nga close friend ko si Bianca, close friend ko si Liz (Uy), dalawa na naging girlfriends niya. ‘Di ba it’s awkward, Direk?” Na sinagot naman ni Lino ng, “Ako kasi, maganda ‘yung relationship ko with my ex-girlfriends.

Para na silang mga kaibigan ko.”

Well, tingnan na lang natin, hindi mo rin kasi pwedeng kontrolin ang mga bagay-bagay na nangyayari sa mundo, malay mo nga biglang magbiro ang tadhana at ma-realize ni direk Lino na si Kris pala ang babaeng hinahanap niya?

Samantala, excited na rin si Kris na mapanood ang mga susunod na eksena sa teleserye nilang Kailangan Ko’y Ikaw tulad ng mga kababayan nating sumusubaybay dito, nabitin kasi sila nang bonggang-bongga sa pagtatapos ng unang linggo ng KKI last Friday.

Ayon kay Tetay, marami raw siyang natatanggap na reaksiyon tungkol sa pilot week ng Kailangan Ko’y Ikaw, talaga raw kasing hahawakan nito sa leeg ang viewers dahil bawat episode ay puro highlights ang eksena, at mabilis ang takbo ng kuwento.

Pero sabi nga ng TV host-actress, kailangan daw tutukan ng manonood ang bahagi kung saan magkakaroon na ng conflict ang karakter nila ni Anne Curtis nang dahil kay Robin Padilla.

Napapanood ang Kailangan Ko’y Ikaw pagkatapos ng Ina Kapatid Anak.

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: