Skip to content

ANGELICA, PIOLO napasabak sa matinding halikan at love scene

January 28, 2013

piolo pascualMAGSISIMULA na ngayong Feb. 4 ang isa sa pinakamalaking Primetime Bida teleserye ng ABS-CBN for 2013 na tiyak na magpapainit sa gabi ng buong sambayanan, ang Apoy Sa Dagat, na pagbibidahan nina Angelica Panganiban, Piolo Pascual at Diether Ocampo.

Kuwento ng nag-uumapaw na pag-ibig, malaking sakripisyo at matinding panlilinlang, ang Apoy Sa Dagat ay sesentro sa buhay ni Serena (Angelica), isang dalagang napadpad sa isang isla at lumaki ng walang kahit anong naaalala tungkol sa kanyang tunay na pagkatao.

Dahil sa kawalan ng pamilyang masasandalan, natagpuan ni Serena ang isang malibay na sandigan sa katauhan ni Ruben (Piolo) na kalauna’y bibihag sa kanyang puso.

Sa panahong akala niya ay wala nang hahadlang sa kanilang pag-iibigan, isang aksidente ang susubok sa tatag nina Serena at Ruben.

Anong kayang gawin ni Serena upang maisalba ang buhay ng lalaking pinakamamahal niya?

Ano ang magiging kaugnayan ng mayamang negosyanteng si Anton (Diet) sa buhay ni Serena? At ang pinakamalaking tanong sa lahat – sino nga ba si Rebecca (Angelica) sa buhay nina Ruben, Anton at Serena?

Nakita ko na ang trailer ng Apoy Sa Dagat at mukhang promising naman ang bagong series na ito gn ABS.

Mukhang intense ang mga eksena, lalo na ang mga kissings scene at love scene nina Angelica at Piolo.

Bukod kina Angelica, Diether at Piolo, bahagi rin ng cast sina Angel Aquino, Aiko Melendez, Sylvia Sanchez, Perla Bautista, Liza Lorena, Freddie Webb, Melai Cantiveros, Eric Fructuoso, Regine Angeles, Bryan Santos at Mikaela Ramirez.

May special participation din sa serye sina Nikki Gil, Empress at Patrick Garcia, sa direksiyon nina FM Reyes and Nick Olanka.

Ngayong Peb. 4 na magsisimula ang Apoy Sa Dagat, mapapaso ang buong sambayanan sa panlilinlang ng isang mukhang nagtataglay ng dalawang katauhan gabi-gabi sa Primetime Bida ng ABS-CBN.

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: