Skip to content

SOLENN HEUSSAFF umamin, may ‘ASAWA’ na

January 27, 2013

solenn heusaffIBANG-IBA pala si Solenn Heussaff kapag wala sa harap ng TV camera.

Simple lang, walang make-up, naka-jeans at t-shirt lang ang sexy actress nang makatsikahan namin kamakailan at ayon mismo sa dalaga, ganu’n talaga siya sa tunay na buhay.

“Ganito talaga ako, I never do my nails, I don’t want to waste my time in the salon, sometimes gusto ko ring mag-salon, I like the feeling, pero  everyday, I just want to be comfortable.

I don’t want to be someone that I’m not, I don’t want to show-off,” katwiran ng bagong Regal baby.

Kasama si Solenn sa sexy movie na “Seduction” opposite Sarah Lahbati and Richard Gutierrez.

Napansin naming prangkang magsalita si Solenn dahil ang katwiran niya, “If I need to say something, I’ll say it.”

Kaya nga raw ayaw niyang pasukin ang pag-aartista noon dahil kuntento naman siya sa propesyon niya bilang make-up artist ng mga kilalang artista, at fashion designer din siya ni Lulu Tan Gan sa loob ng tatlong taon.“Never, kahit maging model, never kasi nga I’m working, nasa opisina ako, then it just happened.

I’d never dream to be an artista, but I went to VTRs, pag may nagsabing mag-VTR ako dati, ayoko na.

Pero pag nandoon na, okay game ako,” kuwento ni Solenn.

Ang una raw niyang clients bilang make-up artist ay ang magkapatid na Ruffa at Richard Gutierrez, pati si Marian Rivera.

Ilang beses na raw siyang inalok noon ni Annabelle Rama na mag-artista, pero panay ang tanggi niya.

At ang nakakatuwa bossing Ervin, ang sexy ni Solenn, pero hindi niya feel maging sexy dahil mas gusto raw niya ang pakiramdam na maging one of the boys.

Sa katunayan, hindi rin daw siya mahilig bumili ng designer bags, shoes at kung anu-ano pa, “I don’t invest in bags, I only have four designer bags and two designer shoes, it was a gift to me.

I don’t buy expensive clothes.

“Pag meron, siyempre happy ako, I love shoes, bags, fashion, pero I don’t spend, mas gusto ko mag-travel.

I spend a lot sa travels,” pahayag pa ni Solenn.

Dagdag pa niya, “I love to travels, in fact I travelled with my guy friends, maski ako lang ang babae, I don’t have problems with that.”

At ngayong pinasok na ni Solenn ang showbiz at nalilinya nga sa pagpapa-sexy ay hindi naiwasang tanungin kung hanggang saan ang ipinakita niya sa “Seduction”.

“Hindi naman ako nagpakita ng tulad ng iniisip ng iba, sexy lang,” kaswal na sagot ng dalaga.

Pero inamin ni Solenn na may nude photos siya na kopya lang niya para pag tanda raw niya ay may maipapakita siya sa mga anak niya kung gaano siya ka-sexy.

“Wala namang frontal, basta hindi kita.

And wala sa computers ‘yun, alam ko lahat ‘yan teki-teki na ‘yan kaya wala. Saka pag nabuntis din ako, magpapakuha rin ako,” say ng dalaga.

Samantala, hindi itinanggi ni Solenn na live-in sila ngayon ng non-showbiz boyfriend niya at pangalawang living-in set up na niya ito, “Mas gusto ko kasi para you know the person better di ba?

People have a boyfriend at kahit na seven years sila together then when they get married and first time na magsasama sa isang bahay ay break sila kasi hindi nila gusto ang ugali, like may mistress ‘yung guy.

“You can not really know a person until you live with that person, so for me, kailangan talagang mag-live in at least, two to three years bago ikasal,” katwiran ni Solenn.

Inamin din ni Solenn na nagkaroon siya ng boyfriend na hindi showbiz, pero ngayon ay nasa industriya na, bagamat hindi niya binanggit ang name ang duda namin ay si Derek Ramsay iyon.

Hindi lang namin alam kung siya ‘yung unang naka-live in ng dalaga.

Itinanggi rin ni Solenn na naging sila ng leading man niyang si Richard Gutierrez tulad ng mga nasusulat noon, “Never na naging kami ni Richard, kasi Raymond is my friend.

Isyu lang lahat ‘yun na kami ni Richard, never kaming nag-date, group of friends siguro.

I have a lot of guy friends, we hang out together, but it doesn’t mean boyfriend ko na kapag may kasama akong guy or I’m cheating with my boyfriend, I’m not,” sabi ni Solenn.
Okay lang din sa aktres na magkaanak muna bago siya ikasal, “Yes, for me marriage is just a piece of paper.”
Samantala, mapapanood na ang “Seduction” sa Enero 30, mula sa direksyon ni Peque Gallaga produced ng Regal Entertainment.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: