Skip to content

MARIEL: Bilang asawa, masakit pa rin’yun!

January 26, 2013

mariel robin padilla

Hinding-hindi panonoorin ang halikan at mga love scene nina Kris at Robi

ALL road leads to Delta Theater today para sa pilot airing ng Wowowillie sa bago nitong oras, 11:30 a.m. na ito na tatagal hanggang 2:30 p.m. sa TV5.

At dahil maraming co-hosts si Willie Revillame tulad nina Grace Lee, Camille Villar, Ava of PYT, Arci Muñoz, Lovely Abella at Ethel Booba ay hindi ba pressured si Mariel na baka masapawan na siya sa programa?

“Ako, personally, hindi ko na iniisip ‘yung factor kung gaano kami karami, ang iniisip namin kung saan kami makakatulong, ano ‘yung part na maibibigay mo, kasi parating sinasabi ni kuya (Willie), itong show na ito ay para sa mga tao, hindi naman kami ang bida rito,” Ayon sa misis ni Robin Padilla.

Nagpapasalamat naman si Mariel sa tiwalang ibinibigay sa kanya ni Willie, lalo na sa respeto nito sa kanya, “Never niya akong niligawan, walang ipinakitang motibo or something, kaya sobrang respeto ko sa kanya.

Kaya ang ganda ng working relationship namin,” pagtatapat ni Mariel.

And speaking of Robin ay pinapanood daw ni Mariel ang Kailangan Ko’y Ikaw kasama ang tatlong anak ng aktor na sina Kylie, Chien-Chien at Alih habang nagdi-dinner sila.

Sobrang palakpak daw niya nu’ng unang ipakita sa screen si Robin, lalo na nang tinatanggal na nito ang kanyang helmet habang nakasakay ng motor. Ang ganda raw ng pagkakakuha sa kanyang mister


“I’m very proud of him, I love it, sabi ko sa kanya, pasalamatan mo ang ABS-CBN kasi ang ganda ng una mong labas, ibinigay nila sa ‘yo.’ Ang guwapo niya, di ba at iyon talaga ang napapansin ng lahat kaya clap-clap kaming lahat sa bahay!” pagmamalaking ni Mariel.

Aware rin kaya si Mariel na magkakaroon ng intimate scenes ang asawa niya sa dalawa nitong leading lady na sina Kris Aquino at Anne Curtis?

“Actually, si ate Kris ang unang-unang nagkuwento sa akin ng flow ng show, hindi naman niya nakuwento in details.

Oo, actually, aware in a way, kasi given na,” pag-amin ni Mariel.

Hindi rin naman daw kasi nila napagkukuwentuhan ni Robin ang tungkol sa mga eksena nito sa KKI, “Never, siya (Robin) kasi when he goes home, he doesn’t talk about work, he just say, ‘I’m tired.’ E, alangan namang i-bug ko pa siya na, ‘Anong ginawa n’yo today, nag-lips to lips ba kayo?’ Ang pangit, di ba? Anong klaseng asawa naman ako no’n? So, I feel like mas natutulungan namin ang isa’t isa kapag suportado namin ang bawat ginagawa namin,” katwiran naman ni Mrs. Padilla.

At paramakaiwas sa anumang isyu ay hindi raw panonoorin ni Mariel ang love scenes ng asawa kina Kris at Anne.

“Feeling ko huwag na lang kasi hindi naman makakatulong sa marriage namin kung papanoorin ko, makakatulong ba?

Siyempre bilang babae, masakit pa rin ‘yun, di ba? Hurt pa rin ‘yun.

“Mas okay na sigurong hindi ko na lang panoorin, pero I’m sure may magkukuwento sa akin, may magtu-tweet, kasama talaga ‘yun, kasi trabaho niya (Robin) ‘yun, so kailangan ko ring paghandaan ‘yun,” sabi pa ni Mariel.

May selos factor bang nararamdaman si Mariel kapag gumagawa ng mga ganitong eksena ang asawa niya?

“The selos feeling is none because ate Kris is such a good person, they’re not gonna do, it’s not for real.

But there will be a feeling na may konting kurot, alam mo ‘yun? Sort of feeling you might get, kasi asawa mo, eh.

“Kasi kailangang iparamdam mo na may nararamdaman ka, hindi naman puwedeng i-arte mo lang ‘yun, kasi trabaho ni Robin ‘yun, he’s an actor,” pahayag pa ng TV host.

Kung kay Kris ay walang selos factor si Mariel, paano si Anne? “Wala rin, again, she is really a nice person, ang napansin ko kay Anne, she’s really hot! Oo, ‘yun talaga, sabi ko, ang hot ni Anne, so click naman ‘yung blending nila.

And I want the show to really work and if it is needed and it is part of it for the show to work and rate, e, kailangan nila (love scenes), di ba?” biglang nag-seryosong sabi ni Mariel.

Pero pahabol niya, huwag naman daw maging panya-panay ang pakikipag-love scene ni Binoe, “Ayoko namang masanay! Ano ‘to, buffet? Huwag naman ganu’n, hindi naman for sharing ang asawa ko, as much as possible!”

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: