Skip to content

JOEY nabiktima ng sindikato, kinotongan ng pekeng TULFO

January 26, 2013

 

joey marquez

Nu’ng isang gabi ay tinawagan kami ni Mayor Joey Marquez.

Nasa isang maingay na lugar ito, hindi halos kami magkarinigan, pero interesante ang kanyang sinasabi.

Tinawagan daw kasi siya ni Mr. Ramon Tulfo, may sinabing impormasyon sa kanya ang kontrobersiyal at matapang na kolumnista-radio anchor, naputol daw ang kanilang pag-uusap kaya pinakiusapan kami ng aktor-politiko na pakitanong kay Kuya Ramon ang kanyang ibinabalita.

Tinawagan namin agad si Kuya Ramon, ipinaabot namin sa kanya ang mensahe ni Mayor Joey, gulat na gulat si Kuya Ramon nang malaman ang aming kuwento.

“Nanghihingi ba ng pera sa kanya ‘yung tumawag?

Pakisabi, baka tawagan siya uli, huwag na niyang i-entertain, ‘yun ang nagpapanggap na ako,” babala agad ng matapang na mamamahayag.

Maraming beses na palang ginagamit ng taong ‘yun ang pangalan ni Mr. Ramon Tulfo, kung sino-sino ang tinatawagan nito, ang pinakahuling kilos nito ay ang panghihingi ng pera sa pamamagitan ng telepono.

Mabuti na lang at tumatawag muna sa kanya ang mga binibiktima ng naturang lalaki, tinatanong siya kung totoong tumawag siya, ibang klase na nga naman ang tindi ng pangangailangan ngayon ng ating mga kababayan.

Tulad na lang ng impormasyong ibinigay ng pekeng Ramon Tulfo kay Mayor Joey, sensitibo ‘yun, mabuti na lang at nagkaisip ang aktor-politiko na ipatsek muna kung totoo ngang tumawag sa kanya si Kuya Ramon.

“Pakisabi kay Mayor Joey, next time na tumawag ‘yung poser ko, huwag na kamo niyang kausapin.

“Hihingi lang ng pera sa kanya ang taong ‘yun, marami na siyang ginaganyan, mabuti na lang at tinatawagan agad ako ng mga gusto niyang biktimahin,” paalala uli ng kontrobersiyal na mamamahayag.

 

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: