Skip to content

WILLIE: Prangkahan na’to, hindi ko talaga gusto ang nanliligaw, eh!

January 25, 2013

 

willie revillame

Kung bibigay daw sa kanya si Grace Lee, bakit naman hindi…

Hindi nasagot nang diretso ni Grace Lee kung may pag-asa ba si Willie Revillame sakaling manligaw ito sa kanya.

Tinuksu-tukso kasi ang dalawa sa grand presscon ng Wowowillie, ang bagong noontime show ng TV5 na magsisimula na bukas kung saan isa si Grace sa mga magiging co-hosts ni Willie.

Nang tinanong kasi si Willie kung posible bang maging sila ni Grace, ang tanging nasabi nito ay, “Kung bibigay, bakit hindi!” sabay tawa ng malakas.

Pero ang tugon ng TV host, “Ako gusto ko muna mag-focus sa show.” Pero hirit ni Willie, “Para naman tayong Sarah Geronimo-Gerald Anderson niyan, eh. Pa-cute-cute lang, eh! Ha-hahaha!” 

“Sa edad namin, prangkahan na. Hindi ko type ang nanliligaw eh.

Si Grace sweet ito ha. Tsaka smart. Siyempre, maganda, maputi, makinis.

Koreana siya na puso ay Pilipino na. Bagay na bagay siya sa show namin!” hirit pa ng komedyante.

Nangako naman si Willie sa kanyang staff na bago siya mag-retire ay sisiguruhin niyang maayos na ang kalagayan nila sa buhay, “Around 30 houses ibibigay ko sa staff ko. Bago ako mag-retire, ang plano ko sa kanila, lahat sila bibigyan ko ng bahay.”

Tuloy na nga ang matinding bakbakan bukas ng tanghali ng mga noontime show sa pagpasok ng Wowowillie kung saan makakasama rin sina Mariel Rodriguez, Camille Villar, Ethel Booba, Arci Muñoz, Ava Jugueta at Lovely Abella.

Aapir din sa pilot ng show sina Gary Valenciano, Yeng Constantino, Ryan Cayabyab, si Apl.de.Ap ng Black Eyed Peas kasama ang Kamikazee at Parokya ni Edgar.

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: