Skip to content

ROBIN kay BIMBY: Aba, natakot ako sa bata, ang tapang pala nu’n!

January 23, 2013

Mkris aquinoaswerte si Kris dahil mahal na mahal siya ng bunsong anak

BILIB na bilib si Robin Padilla sa bunsong anak ni Kris Aquino na si Bimby.

Matapang daw kasi itong bata at ngayon pa lang ay nakikita na niya na magiging isang mabuting anak ito na handang ialay ang buhay sa kanyang pamilya, lalo na sa kanyang mommy.

Kung natatandaan n’yo, mismong si Binoe ang nagkuwento sa atin kung paano siya sinugod at pinagalitan ni Bimby dahil nga nakita nitong hinalikan niya si Kris sa isang eksena nila sa Kailangan Ko’y Ikaw, ito’y sa taping nila kung saan kinunan ang kanilang wedding scene.

Sobrang seloso raw kasi ni Bimby at ayaw na ayaw nitong may nakikitang lalaki na humahalik o yumayakap sa nanay niya.

“Eh, siyempre natakot ako dahil matapang yung batang yun, parang nakikita ko yung sarili ko. Lumulusob talaga yun. Nagsu-shooting kami, nilusob talaga ako!” natatawang kuwento ni Binoe.

“Natuwa ako sa bata, dahil isang patunay ‘yun na mahal na mahal niya ‘yung nanay niya.

Pero siyempre isang bagay yun na hinahangaan at alam ko na si Kris, kahit saan man kami makarating, alam ko meron siyang anak na ganun ang pagmamahal sa kanya.

“Kahanga-hanga. Eh talaga naman, ano pa ba ang hahanapin natin eh, Aquino yun? Cojuangco pa!” nakangiting sey pa ng action star.

In fairness, sulit na sulit naman ang paghihirap nina Binoe, Kris, Anne Curtis at iba pang kasali sa Kailangan Ko’y Ikaw dahil humataw agad ito sa ratings game.

Sabi nga ni Robin nu’ng huli naming makachika, “Ipinagyayabang namin ang aming teleserye.

Siyempre kasama ko ang masasabi nating sikat na mga artistang babae ngayon, ang kasabayan ko na si Ms. Kris na talaga namang Queen of all media at ang box-office queen na si Anne.”

Dagdag pa ni Binoe, isa raw ang seryeng ito sa napakalaking blessing na natanggap niya noong 2012 na tatagal pa hanggang ngayong 2013, “Itong teleseryeng ito ang the best na nangyari sa akin las year sapagkat binibigyan ng tamang atensyon ng ABS dahil binigyan ako ng dalawang director na masasabi kong matindi, si Malou Sevilla at saka si Joyce Bernal. Isang malaking hakbang ito para sa amin, ibang-iba sa mga nagawa kong teleserye.”

Napapanood ang Kailangan Ko’y Ikaw sa Primetime Bida pagkatapos ng Ina kapatid Anak.

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: