Skip to content

PIOLO inatake ng hiya, pinigil mautot sa harapan ni ANGELICA

January 23, 2013

piolo pascual

Nagiging walanghiya ako pag kasama ko si Angelica!—PJ

KUNG walang John Lloyd Cruz sa buhay ngayon ni Angelica Panganiban ay iisipin naming may “something” sa pagitan nila ni Piolo Pascual dahil wala silang ginawa sa buong presscon ng Apoy Sa Dagat kahapon kundi maglandian.

Lalo na kung ang aktres na ang sumasagot sa mga tanong, panay pa ang bulong ng actor kay Angelica, na ayon na rin sa dalaga, “Parang ko siyang kunsensiya na bulung ng bulong dito.”

Maganda naman ang paliwanag nina Angelica at Piolo sa closeness nila at dumating na nga raw sa puntong nasasabi na ng actor na nauutot siya sa harap ng kanyang leading lady.

“Nagpi-prepare kami (sa set), sabi ko, nauutot ako, sabi niya, ‘Wow, close na close tayo!’” tumatawang kuwento ni Piolo.

“Sabi ko nga, ‘Mahiya ka naman Papa P, dyowa ko (John Lloyd) nga hindi ko pa naaamoy umutot, eh, tapos sabi niya, ‘Ah ganu’n ba?’ So, siguro nahiya na rin siya,” ganting komento naman ng aktres.

“Matagal ko na kasing kilala si Angelica walang hang-ups sa buhay, through the years, na-build na ‘yung trust, so there’s mutual respect, kumportable talaga kami sa isa’t isa.

I like her humor. When we’re doing “Every Breath You Take”, she brings out the funny side of me na medyo mahiyain kasi ako kapag maraming tao, pero kapag si Angelica na kasama ko, nagiging walanghiya ako!” katwiran ni Piolo.

At ang reaksyon ni Piolo sa pag-amin ni Angelica na may malisya siya kapag magka-eksena sila, “Sa amin na lang ‘yun, it’s too personal, alam naman niya ‘yun, eh.

Oo naman mayroon din… alam niya (Angelica) ‘yun. Sa amin na lang ‘yun.”

Kaya nga okay lang daw kay Angelica na pahirapan siya nina direk FM Reyes at Nick Olante sa mga eksena niya sa Apoy Sa Dagat for as long as may kissing scene sila ni Piolo bago sila umuwi.

“Sabi ko nga, okay lang direk na paiyakin n’yo ko, maglulupasay ako, basta heto (sabay turo kay Piolo) ang ending ko,” pag-amin ng aktres.

Samantala, mapapanood na ang Apoy Sa Dagat sa Peb. 4 kapalit ng Kahit Puso’y Masugatan.

Makakasama nina Piolo at Angelica sina Diether Ocampo, Empress, Regine Angeles, Perla Bautista, Liza Lorena, Freddie Webb, Patrick Garcia, Nikki Gil, Bryan Santos, Erik Fructuoso, Aiko Melendez at Sylvia Santos.

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: