Skip to content

PACMAN ‘TULO-LAWAY’ daw, tinakam-takam lang ni MARQUEZ

January 23, 2013

BOXING-MEXICO-PHILIPPINES-MARQUEZ-PACQUIAOHanggang ngayon ay pinagtatawanan pa rin ang pagbagsak sa ring

NAKAKALOKA talaga ang mga naglalabasang balita tungkol sa muling pagbabakbakan nina Manny Pacquiao at Juan Manuel Marquez.

Kahit pa nga sabihing si Bob Arum lang ang iisang promoter ng dalawang kilalang boksingero, very obvious na at this point ay si Pacman ang lumalabas na aligaga sa kanilang ikalimang laban.

Grabe rin ang mga “karga” ni Arum sa mga international sports releases na lumalabas din dito sa atin dahil sinasabi nitong mas pinag-uusapan pa raw ito saang panig man ng mundo kesa sa ibang international sporting events.

Panay din ang emote nitong di hamak na mas malaki ang kikitain ng dalawang boxer if ever na matuloy ang kanilang laban, pero dapat daw ay either sa USA ito gawin o sa Mexico dahil walang tax.

Sa panig naman ni Pacman, may balita pang inutusan na nito ang kanyang Canadian adviser (sey mo?) na makipag-usap sa mga bansang Singapore o Hongkong o Macau para maging posibleng venue ng fight nila kung totoong hindi nga papayag si Marquez na gawin ito sa Pilipinas. Basta ang latest kapatid, may April fight na nga si Pacman at either kina Jessie Vargas ng USA o Vyacheslav Senchenco ng Ukraine ang posible niyang makaharap.

At sa gitna ng development na ito ay dedma pa rin si Marquez na tila ngingisi-ngisi lang sa isang tabi na para bagang sinasabi na maghintay si Pacquiao kung kailan niya gustong sagutin ang hamon nitong rematch.

Feeling naman namin, nagmamatigas itong si Marquez dahil napatunayan na niya sa buong mundo na kaya niyang pabagsakin ang isang Manny Pacquiao!

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: