Skip to content

CESAR sa isang hotel sa Manila nakatira, dedma lang sa mga pasabog ni SUNSHINE

January 23, 2013

PHILIPPINES-FILM-CANNESDedma at walang anumang ipinahahayag si Cesar Montano hinggil sa latest scandal sa kanila ng asawang si Sunshine Cruz.

Sa Manila Hotel pa rin daw nakatira ngayon ang direktor-producer-actor ng “The Turning Cradle: The Untold Story of Mayor Alfredo Lim” dahil pinalayas nga raw ito ni Sunshine matapos ibandera ng dating aktres ang diumano’y pagkakaroon ng ibang babae ng kanyang mister.

Positibo namang sinabi ng tito Alfie Lorenzo sa ilang panayam na hindi siya naniniwalang naghiwalay ang mag-asawa bagkus isang normal na away lang ito dahil sa selos.

Magkakabati rin umano ang dalawa at bilang manager/tatay-tatayan ni Sunshine, sinabi pa nitong sapat ng katibayan ‘yung iniwan ni Sunshine ang maganda nitong showbiz career para lang kay Cesar at sa pamilya nila.

Hindi naman daw siguro papayag si Sunshine na masira na lang ng ganu’n ang relasyon nila ni Cesar nang dahil sa isang starlet na gustong magkapangalan sa showbiz.O hayan ha, Krista Miller na dati palang si Krista Engle na lumabas na raw sa ilang projects as bit player, napag-usapan ka na kaya kung totoong ang pagiging artista lang ang pakay mo, sana this time ay ipakita mo na lang ang iyong talento para ‘yun na lang ang pag-usapan.

Hindi ‘yung gagamitin mo pa ang isang nananahimik na pamilya.

Ang nakakaloka pa, balitang na-kick-out pala sa isang exclusive school for girls ang babaeng ito dahil sa isang bagay na…hay, ewan!

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: