Skip to content

Bangayang MARICEL-GERALD tumitindi pa; ABS-CBN nagdesisyon na

January 23, 2013

maricel sorianoMalalim ang naging rason ng pag-aaway

A FEW days ago ay meron akong nabasang blind item regarding a male matinee idol na nakaengkuwentro diumano ng isang veteran actress.

Hindi ko alam kung ano exactly ang pinag-awayan nila pero looks like something serious really happened between the two.

Kumbaga, this left a hard decision for ABS-CBN management kung paano reresolbahin ang isyu.

Hanggang sa pangalanan na ang mga bida sa kuwento – sina Gerald Anderson at Maricel Soriano pala ang involved.

The other night, habang naka-board kami ni Papa Ahwel Paz sa “Mismo” program namin sa DZMM, we received a text message from Manay Ethel Ramos regarding the official statement given out by Bong Osorio,

Head of Corporate Communications ng ABS at ito po ang nilalaman:”Due to the unfortunate incident between Gerald Anderson and Maricel Soriano, that transpired on the first taping day of Bukas Na Lang Kita Mamahalin , ABS-CBN management and the management of Maricel Soriano have agreed that Maricel will no longer be part of the cast. The teleserye starring Gerald Anderson will proceed as scheduled.”

Malinaw na tinanggal na sa cast si Maricel Soriano for some reasons.

Marami ang nagtatanong sa akin kung ano ba talaga ang nangyari pero as of the moment ay hindi pa malinaw sa akin ang istorya. Hayaan ninyo,

I will find out and share the story with you para ma-weigh natin kung sino talaga sa dalawa ang may problema.

Nakakapanghinayang na isang batikang aktres in Maricel lost the job, malaking tulong sana ang presensiya niya sa said teleserye.

Pero hindi rin naman papalag siguro si Gerald kung hindi siya masyadong na-offend sa kung nangyari sa kanila ni Maricel.

Balita ko lang na nagpasabi raw si Gerald na magba-back out na lang daw siya sa said soap kung makakasama pa rin niya si Maria sa cast.

Kaya siguro nawalan ng choice ang istasyon kundi ang gumawa ng ganitong hakbang.

It must be something na malala talaga between Gerald and Maricel para mauwi sa pagkatanggal ng huli sa cast.

Let’s find out. Don’t yah worry, ok?

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: