Skip to content

Tatlong tao ang nagpapakilig sa akin ngayon! – TETAY

January 22, 2013

kris aquinoNagsimula na kagabi ang teleseryeng Kailangan Ko’y Ikaw sa Primetime Bida ng ABS-CBN at sure na sure kami na marami ang nabitin sa pilot episode nito.

Ganyan din kasi ang naramdaman namin nu’ng mapanood namin ang ilang episodes ng serye sa first week nito.

Totoo nga ang sinabi ng tatlong bida ng Kailangan Ko’y Ikaw na sina Kris Aquino, Robin Padilla at Anne Curtis na bawat gabi ay talagang bibitinin nila ang mga manonood kaya wala silang choice kundi ang abangan ang mga susunod na tagpo.

Napanood naman namin ang interview ni Kris sa The Buzz na nag-promote ng KKI, tinanong siya ni tito Boy Abunda tungkol sa lovelife, say ng TV host-actress, humingi raw siya ng permiso kina Joshua at Bimby kung pwede siyang magkaroon ng crush.

“Kahit sinasabi ko po na okay na ako na ganito, maligaya kami ng mga anak ko, siyempre naman, at the end of the day, especially when Bimby gets married, I want a partner,” chika ni Kris, sabay hirit ng, “It’s not wrong to wish for that.

Hindi naman masama na mag-pray for a happily ever after.”

Dagdag pang pasabog nito, “To set the record straight, tatlo ang nagpapakilig sa akin. Maganda na tatlo sila. Text-text lang muna! Ha-hahaha!”

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: