Skip to content

STARLET na kabit daw ni CESAR pinakain ng masasakit na salita ni SUNSHINE

January 21, 2013

cesar montanoNapuno na ang salop, kaya kinalos na.

Ganu’n kung ilarawan ng marami nating kababayan ang nangyari kay Sunshine Cruz na naglabas ng kanyang mga sama ng loob sa Twitter dahil sa diumano’y ginawang pambababae ni Cesar Montano.

Galit na galit ang aktres, matitinding salita ang ipinakain niya sa isang starlet na nagngangalang Krista Miller, na nag-post pa sa Instagram ng mga diumano’y iniregalo dito ng action star.

Nauunawaan si Sunshine ng kanyang mga kapwa babae, napakasakit nga namang malaman na kinaliwa na siya ng kanyang mister ay pinasasakitan pa siya ng babae, parang iniinis pa siya nito sa pamamagitan ng pagpo-post ng kung ano-ano sa Twitter at Instagram.

At ang pinakamasakit pa, pati ang mga iniregalo niya kay Cesar nu’ng Pasko, ang makasaysayang t-sirt at iPhone5, pati na ang tsokolateng bigay naman ng kapatid ng aktor, ay nasa babae pala ngayon.Napakasakit nga naman nu’n, naisahan na siya ay ipinamigay pa ng kanyang mister ang mga iniregalo niya, wala nang mas masakit pa kesa du’n para sa isang misis.

Ewan kung paano sasagutin ngayon ni Cesar ang mga rebelasyon ni Sunshine.

Hindi na bago kung tutuusin ang ganitong senaryo, pero kakaiba ang pangyayari ngayon, dahil nabuko ng aktres pati ang mga ebidensiya ng pambababae ng kanyang asawa.

Nakita na rin namin ang mga seksing retrato ni Krista Miller na ipinadala nito sa account ni Cesar, nanghahalina ang mga larawang ‘yun, halatadong sinadya ng starlet ang pagpapadala ng mga ganu’ng klase ng retrato sa aktor.

Balitang tuluyan nang umalis sa kanilang bahay si Sunshine Cruz na kasama ang kanilang mga anak ni Cesar Montano.

Nakakalungkot.

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: