Skip to content

SARAH baka tumandang dalaga o maging super wild

January 20, 2013

gerald andersonKapag patuloy na nakialam ang ina sa kanyang lovelife

Kim, Sarah pinagtatawanan lang ni Maja; sa kanya pa rin napunta si Gerald

SOMEONE texted us sa  “Mismo”  program namin sa DZMM a few days ago at nagtatanong kung ano raw ba ang ginawa ni Sarah Geronimo sa Sarah G Live last Sunday at marami raw ang nagalit sa kanya.

Hindi kasi namin napanood ang episode na iyon kaya hindi kami maka-comment ni Papa Ahwel Paz sa program namin.

Hanggang sa ma-research ni Papa Ahwel ang isyung iyon kaya the next day ay binanggit niya sa program namin kung ano.

Iyon pala, kumanta si Sarah G ng “Womanizer” ni Britney Spears at nag-comment daw ito ng ayaw niya sa womanizer dahil dapat daw ay doon lang tayo sa mga lalaking faithful.

At inamin naman daw ni Sarah na si Gerald Anderson ang pinatutungkulan niya sa song na iyon. Pero nanghingi naman daw ito ng dispensa sa mga kinauukulan sa TV Patrol.

“Kasi, iyang si Sarah ay gustong magmahal pero hindi naman niya kayang ipaglaban ang lalaking mahal niya kaya wala talaga siyang aasahang patutunguhang maganda sa mga papasukin niyang relasyon.

Kawawang babae, may edad na pero isip-bata pa rin,” anang isang nabubuwisit sa kanya.

“Hindi pa ba siya nakaka-move on sa break-up nila ni Gerald? Pareho lang sila ni Kim Chiu, mga bitter.

Kaya pala mag-best friend ngayon sina Sarah at Kim dahil pareho silang bitter kay Gerald.

“Bakit kasi nila pinakawalan si Gerald?

Tapos ngayon para silang nanghihinayang na napunta kay Maja Salvador si Gerald.

Natural na maghahanap ‘yung tao ng makaka-partner dahil single naman siya.

Kaya dapat kina Sarah at Kim, maghanap ng para sa kanila. Huwag silang bitter.

“Nu’ng panahon nina Rayver Cruz at Sarah, ganu’n din ang nangyari.

Kasi nga, nabubuhay si Sarah sa anino ng nanay niya, takot siyang mag-explore.

Kaya pag ganyan nang ganyan si Sarah, either magiging matandang dalaga siya or magiging super wild na babae.

“Ganyan ang effect niyan sa ilang girls, di ba? Either maging madre or maging pokpokelya ang girl in the end.

Kasi nga, deprived ng kalayaan sa pag-ibig,” anang isang malditang kaibigan namin na may Psychology background.

Naku ha, huwag naman sanang umabot sa ganyan si Sarah G.

Okay na ‘yung mauwi siya sa pagiging matandang dalaga pero para maging wild, that’s the least we could think of her.

Kaya sana matuto nang manindigan si Sarah para sa kanyang lovelife.

Para rin kasing ibon iyan eh, pag mahigpit ang pagkahawak mo, mamamatay ang ibon, pag sobrang luwag naman, baka lumipad.

Dapat ay tama lang, di ba mga kafatid? Ha-hahahaha! Si Sarah ang topic, nauwi sa ibon. Ha-hahaha!

In fairness kay Gerald, tahimik lang ang binata.

What a gentleman! Hindi niya pinapatulan ang mga patutsada sa kanya na kesyo playboy or manggagamit.

Kasi nga, matino si Gerald at ang tanging kasalanan lang sa dalawa ay ang minahal sila.

Pero dapat lang na mag-move on na and find another love.

Dapat ganu’n din ang mga hitad. Kaso hindi eh, bitter-bitter-an nga silang dalawa.

For all you know, pinagtatawanan lang sila ngayon ni Maja dahil sa kanya pa rin napunta si Gerald! Ha-hahaha!

Sobrang haba talaga ng hair ni Maja, mas mahaba pa sa hair ko.

Ha-hahaha! Ang lamang lang naman ni Maja sa akin ay maganda siya eh, di ba? Echos!!!

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: