Skip to content

RICHARD: Hindi po buntis si SARAH!

January 20, 2013

sarah lahbatiMay mga tao lang na nagkalat ng tsismis

Balak sundan sa Switzerland ang GF sa 2014

KAPANSIN-PANSIN ang pagiging tahimik ni Richard Gutierrez sa grand presscon ng “Seduction” noong Biyernes nang gabi kasama ang kanilang director na si Peque Gallaga na todo-todo ang papuri sa girlfriend niya at leading lady sa pelikula na si Sarah Lahbati.

Wala na sa bansa si Sarah dahil lumipad na ito patungong Switzerland kasama ang ina at kung kailan siya ang babalik dito sa Pilipinas, tanging ang Diyos lang daw ang nakakaalam.

May dahilan naman kasi kung bakit malungkot ang binatang aktor dahil unang-una, sila lang ni Solenn Heussaff ang nagpo-promote ng “Seduction”, hindi makakapiling ni Richard ang dalaga sa kanyang kaarawan bukas,
Enero 21, at pangatlo mahirap daw ang long distance relationship, pero kinakaya raw nila ni Sarah sa pamamagitan ng text at Skype.Inamin ni Richard na ngayon pa lang ay hinahanap-hanap na niya si Sarah, “Siyempre, nami-miss ko siya kasi nga she’s part of the movie and we’re supposed to be promoting this together, enjoying ito and inviting the people, you know.

Nakakalungkot na wala siya, pero ganu’n talaga ang sitwasyon ngayon, hindi na natin mababago ‘yon.

“So, alam naman niya ‘yon.

Alam ko na happy siya ngayon, so I’m happy for her,” saad pa ng binata nang makatsikahan namin pagkatapos ng presscon.

Ibinalita ni Richard na masaya raw ngayon ang dalaga sa piling ng pamilya niya sa Switzerland.

At bago raw ito umalis ng bansa ay binati na raw siya ng girlfriend ng happy birthday, “Na-greet na niya ako kasi baka mahirapan ang communication namin in the next few days.

And sana nga nandito pa siya sa birthday ko, pero okay lang.

“I mean, siyempre, kapag nagtiyaga ka nang ganyan, kapag pinaghirapan ang relationship, it pays off naman.

So, konting tiis na lang.

Pero kasama ko naman ‘yung family ko, kasama ko naman ‘yung mga kaibigan ko, at simpleng celebration lang ang gagawin naming,” pilit ang ngiting kuwento ng aktor.

At sa tanong namin kung may plano siyang dalawin ang dalaga sa Switzerland, “Pag may chance, ngayon I keep myself busy (para hindi masyadong ma-miss),

I try to keep myself busy as possible.

Pero kapag nagkaroon ako ng window (panahon) na schedule, I’ll try to visit her, baka next year.”

As of now ay hindi pa mawari ni Richard kung hindi na babalik ng bansa si Sarah, ito’y sa gitna nga ng mga iskandalong kinasangkutan nito sa GMA 7 kamakailan na nauwi pa nga sa demandahan.

“Wala pang final decision,” mabilis na saad ng binata.

Natanong din kung ikinasal na ba talaga sila ni Sarah, “Alam mo maraming mga tsismis na umiikot-ikot ngayon at ayoko na siyang pansinin o palakihin pa dahil hindi naman dapat pinag-uusapan,” magalang na sabi ng aktor.

Natanong din si Richard kung sinubukan niyang pigilan si Sarah sa pagpunta nito sa ibang bansa, “Hindi, kasi matagal na niyang plano ‘yan.

She really wants to spend time with her dad and she also wants to go back to school, may mga dreams siyang ganu’n.

But I tried to delay it, next week na or something, wala, eh, ganu’n talaga, we have to face reality.”

Hindi rin itinanggi ni Richard na sobra siyang nasaktan sa mga nangyayari sa girlfriend niya at sinuportahan daw niya ito, pero malapit din daw sa kanya ang Kapuso network, “I’m caught in between,” sambit ng aktor.

Hindi naman sinagot ni Richard ang isyung plano na niyang maging freelance at isipin ang paglipat ng network, “I don’t want to answer that right now, because I pay respect to GMA and I’m their artist and may mga plano pa silang projects for me, so I don’t wanna discuss that right now,

I think, this is not the right time. Maybe we can discuss that in the future.”

Samantala, natanong din ang aktor tungkol sa isyung kaya umalis ng bansa si Sarah ay dahil buntis ito, “Actually, right now,

I don’t see a point why it became a big deal.

“Parang may nagkalat na lang bigla ng isyu na ‘yan and, all of a sudden, people are asking me like that.

Wala namang dapat pag-usapang ganu’n, it’s not true,” seryosong sagot ng binata.

At nabanggit namin kay Richard na tila tulala siya habang ginaganap ang presscon halatang sobrang lungkot niya, “Hindi naman, wala kasing nagtatanong ng questions kasi nagkaroon na ako ng presscon before, so I think you (all) know my answers, siyempre malungkot dahil wala siya (Sarah), but that’s part of life and it’s part of experience, so okay lang,” napangiting sabi nito.

Umaasa pa rin daw siya na maaayos pa rin ang problema ni Sarah sa GMA, “Oo, sana naagapan, nagawan ng paraan, naging maayos.

Pero even before this thing exploded, we tried fixing it na.

Sana lang mas naging maayos lahat, pero hindi, e, so we have to live by that,” malumanay pa ring sabi ni Richard.

First time rin ba ni Richard na magkaroon ng long distance affair? “Hindi naman,” kaswal nitong sagot.

Sanay na ba siya sa ganitong set-up? “Hindi naman nakakasanay ‘yun,” natawang tugon ng binata.

Showing na ang “Seduction” sa Jan. 30 under Regal Films.

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: