Skip to content

DINGDONG walang paki sa paghuhubo’t hubad ni MARIAN sa harapan ni DENNIS

January 19, 2013

dennis trillo‘OK lang naman sa akin ‘yun, basta nag-eenjoy siya!’ 

“Hindi naman kami nakikialam sa isa’t isa pagdating sa trabaho,” ang tugon sa amin ni papa Dingdong Dantes nang dalawin namin ito sa set ng Pahiram Ng Sandali kamakailan tungkol sa pagpapa-daring ni Marian Rivera sa kanyang mga projects ngayon.

Medyo inintriga kasi namin siya na tila ngayong 2013 ay mas naging palaban na sa pagpapa-sexy ang kanyang girlfriend na si Marian.

Una na nga rito ang pagpayag nito sa paghuhubad sa FHM, at ang pagpapaka-daring niya sa top-rating GMA series niyang Temptation Of Wife, kung saan napanood na ng publiko ang ilang maseselang eksena niya kasama si Dennis Trillo.

Sa katunayan, may eksena pa ngang naghubo’t hubad si Marian sa harap ni Dennis habang inaakit ang aktor. “Oo, alam ko ‘yun.

Napanood ko pa nga, e. Okay naman sa tingin ko. Magaling siya.

Eh, sexy naman talaga si Marian, di ba? For as long as na nag-eenjoy siya sa mga ginagawa niya, walang kaso sa akin,” paliwanag pa ni papa Dong.

Wala raw nangyayaring selosan sa kanila pagdating sa work, kahit naman daw siya ay hindi pinakikialaman ni Marian sa kanyang mga projects, tulad na lang ng maiinit na eksena nila ni Lorna Tolentino sa Pahiram Ng Sandali, idagdag pa ang mga halikan nila ng isa pa niyang partner  na si Max Collins.

Isa ang kanilang serye sa nagpapalakas sa GMA TeleBabad dahil consistent ang nakukuha nitong mataas na rating, “Masaya kung ganu’n.

For as long as marami ang natutuwa at sumusubaybay sa mga soaps namin, siyempre mas dapat kaming maging masipag at dedicated.”

Marami pa raw mga maiintrigang eksena ang magaganap sa role niya bilang si Alex sa Pahiram Ng Sandali.

Puro papuri rin ang ibinigay niya sa kanyang co-stars lalo na kay LT na sobra raw ang pagiging mapagbigay sa kanilang mga eksena.

Kapag nga raw kaeksena rin niya sina Boyet de leon, Mark Gil, Julio Diaz at Neil Ryan Sese, mas lalo raw siyang natsa-challenge sa karakter niya bilang isang professional photo journalist (peg daw niya ang mga kasamahan natin sa industriya tulad ng mga tunay na photo journalists na sina Boy Borja, Sonny Chua, Dada Navida at Kelvin Lamboloto).

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: