Skip to content

DEREK, NADINE tumatakas sa taping ng Kidlat para mag-date

January 19, 2013

nadine samonteKapana-panabik ang mga bagong episodes ng Kidlat dahil simula sa Lunes, ipapakita na ang namumuong relasyon sa pagitan nina Voltaire (Derek Ramsay) at sa kababata nitong si Lara (Nadine Samonte).

Ilang taon ding lumayo si Voltaire sa kanyang kinalakihang pamilya ngunit pagtatagpuin pa rin ng tadhana sina Voltaire at Lara.

Unti-unting mahuhulog ang loob ni Lara sa binata pero lingid sa kanilang kaalaman, may lihim na pagtingin si Vincent (Baron Geisler) kay Lara.

Ano nga ba ang mangyayari pag nalaman ni Vincent na unti-unting nang nahuhulog ang loob ni Lara kay Voltaire na itinuturing nitong kaaway?

May pag-asa pa kayang matuloy ang nabubuong pag-iibigan nina Lara at Voltaire?

Abangan ang lahat ng iyan sa Kidlat mula Lunes hanggang Biyernes, 6:45 p.m. pagkatapos ng Aksyon sa TV5.

Pero ito ang chika, totoo nga kaya na nagkakamabutihan na raw sa tunay na buhay sina Derek at Nadine?

Totoo nga kaya na madalas tumakas sa taping ng Kidlat ang dalawa para magkasarilinan?

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: