Skip to content

SAM: Pwedeng maging kami ni ANGELINE!

January 18, 2013

sam milbyHINDI raw lolokohin nina Sam Milby at Angeline Quinto ang publiko.

Ayaw daw palabasin ng dalawang bida ng seryeng Kahit Konting Pagtingin na merong nangyayari sa kanila, kahit wala naman talaga.

Ayon kay Sam, hindi raw imposibleng magkagusto siya kay Angeline dahil kahit sinong lalaki naman daw ay maa-attrac sa dalaga dahil bukod daw sa napaka-talented nito ay napakabait pang tao.

“Kung ano siya sa harap ng camera, ganu’n din siya off cam.

Sobrang totoong tao, walang arte, what you see is what you get! At talagang blooming siya ngayon!”

“So, hindi naman imposible pero ayoko naman kayo i-mislead na may something kami na wala. I mean, matagal na kaming magkaibigan and friends lang talaga kami.

Hindi naman puwede sabihin na walang puwedeng mangyari.

Puwede naman,” pahayag pa ng aktor.Magsisimula na sa Lunes sa Kapamilya Gold ng ABS ang Kahit Konting Pagtingin kung saan makakasama rin si Paulo Avelino, at sabi nga ni Sam ngayon pa lang ay sinisiguro na niyang kikiligin talaga ang mga manonood sa kuwento.

“I’m excited kasi it’s light, yung feel ng show.

Nag-workshop na kami. Inaral ko rin yung script kung ano yung magiging character ko.

Matagal na kaming magkaibigan ni Angeline kaya mas madali para sa akin ang makatrabaho siya.

Natural talaga si Angeline,” kuwento pa ni Sam sa grand presscon ng bagong afternoon series ng Dos.

Mas magiging busy ngayon si Sam dahil nagkasabay na ang taping ng Kahit Konting Pagtingin at Against All Odds kung saan makakasama naman niya sina KC Concepcion at Judy Ann Santos.

Makakasama rin pala sa Kahit Konting Pagtingin sina John Lapus, Bangs Garcia, James Blanco, Ahron Villena, Jordan Herrera, Snooky Serna, Mylene Dizon, Alexandra Macanan, Aljhon Lucas, Tommy Abuel at Joonee Gamboa, sa direksiyon ni Darnel Joy Villaflor.

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: