Skip to content

PHIL: Gusto ko si ANGEL na ang pakakasalan ko!

January 18, 2013

angel locsinPatok na patok ang segment ng magkapatid na football player na sina Phil at James Younghusband sa “GO5, Happy Maging Kapatid” trade launch ng TV5 recently.

Talagang napatawa ng mag-utol ang audience dahil sa mga punchlines nila kasama ang dating basketball player at komedyanteng si Benjie Paras.

Magkakasama ang tatlo sa programang Sports5 ng AKTV ng TV5.

In fairness, nawala na ang hiya nina Phil at James, as in game na game silang nakipagbiruan kay Benjie.

Anyway, tungkol naman sa relasyon nina Phil at Angel Locsin, halatang maligayang-maligaya ang Azakals member sa piling ni Angel.

“Lagi kaming masaya, we’re happy together and enjoying each other’s company,” sabi ni Phil na mahigit isang taon na ang relasyon sa Kapamilya actress.

Ayon kay Phil, tumagal daw ang relasyon nila ni Angel dahil sa communication, “Kasi lagi kaming nagko-communicate with one another, so kung may problema ako, I’ll tell Angel.

And pag may problema siya, she would tell me. So, I think, ang importante is communication.”

At feeling naman daw ng binata, si Angel na ang babaeng pakakasalan niya, gusto niya raw si Angel na ang maging asawa niya.

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: