Skip to content

KIM tinotoo raw ang sampal kay MAJA

January 16, 2013

maja kimNapanood namin sa Gram’s Diner noong Lunes nang gabi ang rebelasyon sa Ina Kapatid Anak pagkatapos ng farewell presscon ng Aryana kasama sina katotong Pilar Mateo at bossing Ervin Santiago at iisa ang nasabi namin – ang galing-galing ni Kim Chiu sa eksenang nalaman na niyang anak pala siya nina Ariel Rivera at Cherry Pie Picache, pati na rin sa sampalan nila ni Maja Salvador.

Na-curious tuloy kaming malaman kung kinunan ba ang mga nasabing eksena nang malaman na ni Kim na magkarelasyon na sina Maja at Gerald Anderson?

Dahil kung oo, may pinaghugutan nga siya para maging makatotohanan ang pagkakasampal niya kay Maja, pero kung hindi pa niya alam ang tungkol sa kanyang dating best friend at ex-boyfriend, bongga!

Ang galing talaga ni Kim, huh!

Kaya naman natanong si Kris Aquino na parehong malapit kina Kim at Maja kung ano ang masasabi niya sa gulo ng dalawa.“Alam ninyo, ayokong pumili between the two kasi si Maja also started with us in The Buzz, we were her first interview.

But I’m not gonna deny na nakausap ko si Kim recently.

Ang sinabi ko lang kay Kimmy is that, ‘You’re at a such good place in your life right now.

Kung nasaan ka man ngayon, du’n ka mag-focus kasi hindi mo naman mababalik ang nakaraan.’

“The last thing I want is for people to think that she’s bitter because, recently, sa lahat ng nakita ko, maligayang-maligaya na siya, e.

Unfortunate lang yung mga circumstance ngayon, ‘yung mga intriga, pero hindi nadi-diminish nu’n ang pagmamahal ko sa dalawa,” paliwanag ng Queen of All Media.

Kaya tinanong namin kung nagkausap na sila ni Maja para marinig naman niya ang panig nito, “Hindi kami nagkausap ni Maja, honestly mas regular ang communication namin ni Kim.

Pag narinig n’yo yung kuwento niya, maiintindihan ninyo the same way very much like Kailangan Ko’y Ikaw,” say ni Tetay.

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: