Skip to content

GERALD grabe ang kamandag sa mga babae

January 16, 2013

gerald andersonSa dami ng mga nakarating sa aming mga reaksyon at obserbasyon hinggil sa kontrobersyang kinasasangkutan nina Maja Salvador, Kim Chiu at Gerald Anderson, nais naming i-share sa inyo ang ilan.

As we have said in our previous piece, kilala namin ang tatlong bagets and somehow ay may kani-kanya silang closeness sa amin kaya mahirap magbigay ng personal na opinyon.

But since may mga Facebook and Twitter friends tayong nais magbigay ng kanilang saloobin, narito ang ilan sa kanilang mga komento.

Sey ni @KimXi_Australia, “We know you are fair. Please hear us its not about the ‘ex’ it’s the betrayal of friendship between Maja and Kim.”

Segue naman ni @_3719053072201, “Grabe pala talaga si Gerald.

Ang bilis naman niyang naka-move on kay  Sarah  para sabihing gusto niyang ligawan si Maja.”

Sa FB naman ay nagpahayag din ang mga naniniwalang na-betray nga ni Maja si Kim. Sabi ng isang nag-comment, “Masagwa pa rin kasing mabalitaan o malaman.

Siyempre kahit papaano may epekto yun sa pagiging friends nila.

Unless, totoong pag-ibig talaga ang nararamdaman nina Gerald at Maja. Eh bakit iba ang sinasabi nila kung handa nila itong ipaglaban kung pag-ibig nga? Kahit naman sino, magagalit di ba? Kaya naiintindihan namin si Kim.”

May mga nagsasabi naman na isang patunay lang na hanggang ngayon ay mahal pa rin ni Kim si Gerald base na rin sa naging “violent” reaction niya sa ginawa ng kanyang bestfriend na si Maja.

Nalulungkot lang talaga kami dahil we also are witnesses sa ganda ng friendship nina Maja at Kim.

Kaibigan at mahal din namin ang nanay ni Gerald, thus making us Gerald’s friend too.

Pero pagdating nga sa usaping puso, sino ba tayo para manghusga ng ating kapwa?

We are still praying na ma-save ang friendship ng dalawang batang aktres na halos araw-araw ay nagkakatrabaho pa sa Ina kapatid Anak.

Hindi namin ma-imagine kung ano ang set-up nila ngayon sa set with this controversy.

At gaya ng sinabi ni Gerald sa interbyu niya sa The Buzz last Sunday, sana nga ay mas maging responsable siya sa mga magiging action niya in the future if ever man na bigyan siya ng chance ni Maja.

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: