Skip to content

RAYVER natuyot daw dahil kay CRISTINE

January 15, 2013

cristine reyesNAWALA ang freshness ni Rayver Cruz mula nang maging dyowa niya si Cristine Reyes.

Parang naubusan siya ng katas – iyan ang dating niya sa tao ngayon – naging dry at slightly wasted ang youthfulness niya. Malamang na dala ng stress at sobrang pagod kaya nagkaganyan.

“Dati ang cute-cute ni Rayver, palagi ko siyang inaabangan sa ASAP dahil mahusay sumayaw.

Magaling pang kumanta iyan, kasi naman, mahuhusay naman talagang singers ang mga Cruz, di ba?

Anyway, crush na crush ko iyan dati, kasi nga, matinee idol talaga ang dating, sobrang delicious tingnan.

“Kaya lang, magmula nang maging boyfriend siya ng sexy star na si Cristine Reyes, parang nawalan na ako ng ganang panoorin siya.

Kasi parang naging makamundo ang image niya, nawala ang pagka-bagets – maybe because of Cristine’s image na hindi virginal. Okay pa nu’ng na-link siya kay Sarah Geronimo dahil wholesome ang dating pero nang naging sila na ni Cristine, wala na.

“Na-turn off na ang kanyang young audience.

Kahit ako ngang hindi na young ay nawalan ng gana sa kanya, yung mga bagets fans pa kaya niya?” anang isang middle-aged lady friend namin na nagtatrabaho sa bank.

Or baka nagseselos lang itong friend namin.

Anyway, totoo ngang nag-mature ang look and image ni Rayver mula nang maging sila ni Cristine.

Kung napansin ninyo, dumalang ang mga projects ni Rayver, mas nakinabang si Cristine more than him nang maging magsyota sila.

Kung dati-rati’y left and right ang projects ni Rayver, ngayon ay hindi na gaano.

Nabawasan ang marketability niya.

Sayang, di ba? He was groomed pa naman before na maging leading man material na, puwede siya actually makipagsabayan kina Gerald Anderson, Coco Martin or John Lloyd Cruz kung nabigyan lang ng magandang break, ‘no!

Kasi nga, maliban sa mahusay siyang kumanta at sumayaw, napakahusay umarte ng batang ito before.

Pero ngayon ay manaka-naka na lang natin siyang natutunghayan sa mga TV dramas.

Sana ay magbago na ang takbo ng kapalaran niya after nilang maghiwalay ni Cristine.

Sana ay totohanin niyang magku-concentrate na siya sa kaniyang career ngayong break na nga sila.

“Sana ganoon nga ang mangyari.

Ang problema riyan ay mukhang siya ang mas in love kay Cristine more than the other way around.

Kaya one day, pag kinalabit ulit ni Cristine iyan, baka bumigay ulit si Rayver.

Bahala siya, basta iba na ang diol ko,” dagdag pa ng kausap natin.

Grabe naman ang sobrang selos ng fan na ito kay Cristine.

Ha-hahaha! Pero sa totoo lang, tama naman ang point niya, di ba?

Napansin din namin na nawalan ng brilyo ang pagiging celebrity ni Rayver Cruz magmula nang magseryoso siya kay Cristine.

Akala nga namin ay didiretso na sa pagiging househusband ang role niya sa buhay ni Cristine, eh, buti na lang at natauhan siya ng konti.

Good luck na lang, Rayver Cruz.

Let your star shine again.

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: