Skip to content

CRISTINE, RAYVER nagsinungaling, ginawa pang manloloko ang press

January 15, 2013

Matapos  urayver cruzmamin na matagal na silang  hiwalay 

Follow-up ito sa nasulat namin kahapon na gusto muna naming mapanood ang interview nina Rayver Cruz at Cristine Reyes tungkol sa pag-amin nilang hiwalay na sila sa The Buzz noong Linggo.

Ang paliwanag nang dalawa ay sinadya nilang isikreto muna ang tungkol dito para hindi na sila pagpiyestahan pa kaya sa tuwing natatanong sila kung hiwalay na sila ay parati nilang sinasabing hindi pa at gawa-gawa lang daw ng mga manunulat ang intrigang break na sila.

Pinalabas pa nila kaming sinungaling noon, kaya natatawa na lang kami – sino ngayon ang sinungaling at gumagawa ng intriga?

“Ang maganda dito okay kami dahil magkaibigan kami, and matagal na kaming naghiwalay ni AA (palayaw ni Cristine), last year pa and we gave our best dito sa relationship namin and ganu’n siguro talaga, hindi naman halos lahat ng relationship nagwo-work, ‘di ba?” katwiran ni Rayver.“Pero sa huli kasi ang daming nakakahalata, and as being unfairly judged na naman sa mga nangyayari, so nag-decide ako na dapat sabihin na natin.

Very mutual naman ang decision namin, e,” dagdag pa ng binata.

Sabi naman ni Cristine, “Parang siguro kasi bata pa kami pareho and parang gusto rin muna naming mag-focus sa work.

Gusto naming mag-focus sa career.”

Nakakatawa lang dahil last December ay nakapanayam pa namin si AA sa launching niya bilang bagong endorser ng Calayan kung saan muli namin siyang tinanong sa paghihiwalay nila ni Rayver, pero matigas pa rin ang pagtanggi niya at take note, bossing Ervin, nakatingin pa siya sa amin ng diretso sa mata.

Anyway, wala raw third party sa paghihiwalay nila at walang katotohanan na si Derek Ramsay ang ipinalit ni Cristine kay Rayver.

Heto na naman, mega deny na naman siya na wala pang kapalit si Rayver.

Sige, hihintayin na lang namin ulit kung kailan siya aamin dahil wala namang lihim na hindi nabubunyag, di ba?

Lahat ng totoo nalalantad!

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: