Skip to content

ANGELINE: Basta siya po ang magbabayad, ayoko naman na maghati pa kami sa bill!

January 15, 2013

sam milbyPayag  daw siyang makipag-date kay Sam sa isang kundisyon

Nagsimula na kahapon sa ABS-CBN Kapamilya Gold ang kauna-unahang romantic comedy serye ni Angeline Quinto, ang Kahit Konting Pagtingin.

At talaga namang halos maglaway sa inggit ang mga girls at mga bading sa singer-actress dahil sa dalawang katakam-takam na matinee idol na kasama niya sa programa – ang  Kapamilya heartthrobs na sina Sam Milby at Paulo Avelino.

“Oo nga, e! Pero huwag silang masyadong mainggit sa akin, acting lang naman ‘to! Ha-hahaha!

Pero talaga pong napaka-happy ng Bagong Taon ko, as in sobrang jackpot talaga.

Hindi ko talaga in-expect na magkakaroon ako ng ganito kalaking project sa ABS, tapos kasama ko pa sina Sam at Paulo! Ako na talaga, di ba?” natatawa pa ring kuwento ni Angge. Inamin ni Angeline na natakot talaga siya nang i-offer sa kanya ang Kahit Konting Pagtingin, “Siyempre hindi naman agad-agad ako na pumayag.

Siyempre inisip ko din kung ano yung magiging epekto sa pagkanta ko na akala ko talaga hindi ko kakayanin kasi mahirap talaga na magpuyat, kapag may mga shows out of town, mga ganyan.

Pero ayun sa awa ng Diyos naman kahit paano nakakaraos naman.”

Sa ngayon, hindi pa alam ni Angeline kung magkakaroon sila ng kissing scene nina Sam at Pauolo, “Hindi pa sure, pero sa music video namin meron kaming kissing scene ni Sam.

Hindi naman super torrid pero as in smack lang pero matagal ha, as in five seconds din yun. Ha-hahaha!

Akala ko kasi hindi tototohanin ni Sam nu’ng magkatinginan kami, akala ko hindi mangyayari.

“Eh nagulat na lang ako na biglang lumapit, nagkadikit.

Wala akong nagawa pero super tumayo yung balahibo ko talaga! Ha-hahaha! Kami naman ni Coco (Martin) wala kaming kissing scene sa movie namin na ‘Born To Love’ You.

Actually si Sam talaga yung first kiss ko kasi nu’ng una akong nagkaroon ng music video na Christmas song last year, siya yung ka-partner ko sa video, bale may kissing scenes kami du’n,” esplika pa ng singer-actress.

E, kung sila ni Paulo ang maghalikan on screen? “Sana naman po! Ha-hahaha!”

Natanong din si Angge paano kung bigla siyang yayain ni Sam na mag-date, papayag ba siya?

“Kung yayain niya ako mag-date, oo naman basta siya yung magbabayad.

Ha-hahaha!  Eh ayoko naman na yayayain ako tapos hati pa kami? Huwag naman,” biro pa ng dalaga.

Diretsahan namang sinabi ni Angeline na posibleng magkadebelopan sila ni Sam, “Oo naman.

Bakit naman hindi? So kung sakali mang mangyari yun eh hindi ko naman siyempre pipigilan kumbaga hindi ko rin ikakahiya na go na tayo, 2013 na eh!

Basta makita ko lang na seryoso at saka mahal din yung pamilya ko, yun lang din naman yung gusto ko makita sa isang lalaki, eh.”

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: