Skip to content

ROCCO NACINO ‘IKINAHIHIYA’ na dyowa na niya si LOVI POE

January 14, 2013

rocco nacinoMatagal nang may relasyon pero natatakot aminin sa publiko

TRUE nga kaya ang chika na matagal nang magdyowa sina Lovi Poe at Rocco Nacino?

May nakapagsabi kasi sa amin na pagkatapos ng naunsiyaming relasyon nina Lovi at Jake Cuenca, si Rocco na raw ang pumalit sa puso ng Kapuso actress.

Ayon  sa usap-usapan, talagang nagkadebelopan sina Lovi at Rocco nang simulan nila ang kanilang teleseryeng Yesterday’s Bride na napapanood pa rin sa Afternoon Prime ng GMA 7.

Pero ang usapan daw nina Rocco at Lovi ay huwag na muna itong ibandera sa publiko habang ginagawa pa nila ang kanilang soap.

In fairness, kahit nga anong pilit ang gawin sa dalawa para umamin na sa tunay na estado ng kanilang relasyon ay talagang wala kang mapipiga, ang lagi lang nilang sinasabi ay mas naging close at mas nakilala pa nila ang isa’t isa.

Pero mas marami pa rin ang naniniwala na sila na nga.May nagsasabi rin na nahihiya raw kasi si Rocco na malaman agad ng publiko na girlfriend na niya si Lovi samantalang kakahiwalay lang nila ni Sheena Halili.

Ayaw lang niya sigurong lumabas na mang-aagaw si Lovi at ito ang dahilan kung bakit sila nagkasira ni Sheena.

Well, kung kami naman si Rocco, hindi kami mahihiyang ipagsigawan sa buong mundo ang pagmamahal ko kay Lovi, hindi pa naman sila kasal ni Sheena, di ba?

Mas magagalit ang mga tao kung pinakasalan niya si Sheena pagkatapos ay bigla niyang iiwan dahil kay Lovi.

Mas mabuti na ‘yung agad-agad na nalaman ni Sheena na si Lovi ang tunay niyang mahal, di ba?

Ayon naman sa isang nakachika naming tagasubaybay ng Yesterday’s Bride, kitang-kita raw ang pagmamahalan nila sa mga eksena nila sa serye, hindi raw nila maitago sa manonood ang tunay nilang nararamdaman para sa isa’t isa.

Naku, basta manood lang kayo lagi ng Yesterday’s Bride at kayo na ang humusga kung totoong magdyowa na ang dalawa o magdyowa na? Ha-hahaha!

Pero kung kami ang tatanungin, base sa mga kilos at tinginan nila nu’ng magpa-thanksgiving presscon ang GMA dahil sa pagkapanalo sa ratings game ng lahat ng kanilang afternoon teleserye – sila na nga!

Anyway, patuloy n’yong subaybayan ang nasabing drama series ng Siyete dahil nu’ng huli naming makachika si Rocco, ngayong linggo raw ay mas maraming lihim ang mabubunyag at mas magiging kaabang-abang ang susunod na mga pasabog ng kanilang mga karakter na sina Andrea at Justin.

Kasama pa rin dito sina Luis Alandy, Ara Mina, Karel Marquez, Mark Bautista at marami pang iba.

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: