Skip to content

Kahit buking na, GERALD todo tanggi pa rin sa relasyon nila ni MAJA

January 14, 2013

gerald andersonSamantala, balitang na-interview na rin ni kuya Boy Abunda si Gerald Anderson na ipinalabas din sa The Buzz kahapon at todo deny din ito na may relasyon sila ni Maja Salvador.

Bossing Ervin, wala raw katotohanan ang lahat, magkaibigan lang daw sina Maja at Gerald at nakisabay lang daw sila ng mga kaibigan niya sa pagpunta sa Misibis Bay Resort kung saan ginanap ang shower party ng pinsan ng aktres.

Bongga, di ba?  Nakisabay lang sa pagpunta sa isang mamahaling resort at sa shower party pa ng pinsan ni Maja?

At kailan pa kaya naging close si Gerald sa pamilya ni Maja na iniimbita pa raw niya na maglaro ng basketball?

“Getting to know the family” ba ang drama ng aktor sa dalaga, bossing Ervin?

(Naku, Reggee ayoko nang mag-comment  baka mag-deny lang! Ha-hahaha – Ed)

Tulad nga ng sabi sa amin ng isang taga-ABS, “Hindi naman tanga ang press para paikut-ikutin sila, sanay na sila sa pagde-deny ng artista.”

Eh, teka, bakit nga ba hindi pa nila aminin ang totoo, e, pareho naman silang single?

Iniisip nila na masasaktan nila si Kim Chiu?

E, di ba, mismong si Kim na ang nagsabi na okay lang sa kanya kung sila na?

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: