Skip to content

CRISTINE nakipaghiwalay daw kay RAYVER dahil may ibang lalaking mahal

January 14, 2013

cristine reyesHABANG tinitipa namin ang kolum na ito ay on-going ang taped interview nina Cristine Reyes at Rayver Cruz para sa The Buzz na ipinalabas kahapon.

Hindi namin ito napanood dahil kasabay nito ang celebrity screening ng Kailangan Ko’y Ikaw na ginanap sa Trinoma cinema 7 na pinangunahan nina Kris Aquino, Anne Curtis at Robin Padilla.

Pero base sa kuwento sa amin ng isang taga-Dos ay inamin na raw ni Cristine na hiwalay na sila ni Rayver, pero maayos naman daw ang naging takbo ng kanilang break-up at nanatili silang magkaibigan.

Wala muna kaming masasabi sa isyung ito dahil kailangan naming mapanood muna ang kabuuan ng interview nina AA at Rayver.

Pero  kung inyong natatandaan, ilang beses na naming naisulat dito sa BANDERA na totoong hiwalay na ang dalawa at hindi lang naming maintindihan kung bakit ilang beses din silang nagdenay.

Itinapat ba ni Cristine ang isyu para sa promo ng serye niyang Bukas Na Lang Kita Mamahalin para ay issue sa kanila ni Rayver na kasama rin sa programa?

Anyway, hindi na rin namin inaasahan ang pag-amin ng aktres kung sino ang dahilan ng hiwalayan nila ni Rayver dahil another isyu na naman ang mabubuksan at higit sa lahat, hindi naman kapamilya ang mga ito.

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: