Skip to content

SAM nagpaalam kay JOHN bago ligawan si SHAINA

January 12, 2013

sam milby‘Alam naman ng lahat na may crush ako sa kanya!’

NILINAW ni Sam Milby ang isyung karelasyon na niya ngayon si Shaina Magdayao dahil ilang beses na raw silang nakitang nagde-date.

“Hindi po totoo na kami na.  Honest po ako sa mga kaibigan ko, sa lahat na may crush ako sa kanya, may paghanga ako sa kanya but in terms of kung kami na, wala naman pong ganyan, friends lang po kami.

“Yes, we hang-out po kasama ang mga kaibigan niya or ako, at never po kaming nag-date na kaming dalawa lang, wala pong ganu’n.

“Ayokong sabihin kung anong mangyayari kasi hindi naman namin alam, basta, friends kami muna, ‘yun lang,” mabilis na paglilinaw ng aktor.

May plano ba siyang ligawan si Shaina? “Ayokong sabihin kung mayroon, basta gusto ko lang pong sabihin na gusto ko siyang makilala ng mas mabuti, kasi hindi pa kami nag-uusap masyado, you know, ‘yung mga hang-outs namin, we can’t get to talk as much, so gusto kong makilala siya mabuti,” tugon ng bagong leading man ni Angeline Quinto sa kauna-unahan nitong teleserye na Kahit Konting Pagtingin.Apat na beses na raw lumalabas sina Sam at Shaina kasama ang mga kaibigan kaya anu-ano na ang nalaman ng aktor ngayon sa dalaga?

“Gusto ko kay Shaina, maliban sa maganda, maganda ang puso niya.

Lahat ng katrabaho niya, lahat sa Star Magic, lahat ng nasa showbiz, ‘yun parati ang words na sinasabi sa kanya.

She’s such a good person,” kuwento ng binata.

“Kaya ko nga po kinikilala para malaman ko kung liligawan ko siya o hindi at para makilala rin niya ako,” saad pa nito.

Samantala, bestfriend ni Sam si John Prats na ex-boyfriend ni Shaina at inamin ng aktor na nagpasintabi siya sa kaibigan niya.

“E, siyempre bestfriend ko ‘yun, so I want to make sure na kung sakaling manliligaw ako kay Shaina, okay sa kanya, okay daw sa kanya,” pag-amin ni Sam.

“Sinabi ko rin kay John na nu’ng dati na sila pa, sinabi ko na may paghanga ako kay Shaina, I’m a very honest person, lalo na sa bestfriend ko, ayaw ko nang may tinatago.

Dapat ganu’n, maging honest ka,” dagdag pa ng binata.

Pero kung hindi raw pumayag si John dahil masasaktan siya ay, “Ayoko naman ng ganu’n, kaya nga ako nagpaalam at kung ayaw pumayag, hindi ko itutuloy.”

Samantala, dalawang taong hindi gumawa ng teleserye si Sam kaya naman aminado siyang nanganay siya ng muli siyang humarap sa camera para sa romantic comedy seryeng Kahit Konting Pagtingin sa ABS-CBN.

Matatandaang may gagawin sanang pelikula noon sina Sam at Bea Alonzo mula sa direksyon ni Olive Lamasan, ang “The Mistress”.

Pero dahil inuna noon ng aktor na mag-audition sa Hollywood kaya hindi ito natuloy at napunta na nga ang role niya kay John Lloyd Cruz.

Kaya tinanong namin ang binata kung may pagsisisi ba siya dahil nawala ang project na ito bukod pa sa wala siyang regular shows.

“Lahat ng bagay sa buhay, laging may risk at ako, ni-risk ko ‘yung movie na dapat gagawin ko with Bea, pero hindi naman ako nagsisisi dahil ‘yung mga na-experience ko sa New York, happy ako, ‘yung mga nakilala ko, at hindi ako nag-give up, lagi kong sinasabi na hindi pa rin ako gumi-give-up dahil babalik pa ako.

“At ngayong taon na ito, marami akong blessings kaya siguro hindi ako makakaalis ngayon.

At saka ayokong isipin ang mga negative-negative, gusto ko positive ngayong 2013, dapat ganu’n, kasi kung positive ang tao, maganda ‘yung mga nangyayari sa buhay.

So gusto kong positive lahat,” magandang paliwanag ni Sam.

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: