Skip to content

MOMMY ni SARAH binansagang ‘take home queen’

January 12, 2013

sarah geronimoKALOKA talaga itong si Divine Geronimo, reyna pala talaga siya ng take home food na libre, ha!

Kung sa live studio ay may-I-harbat siya ng pagkain na nasa catering, na dinadala niya sa kanilang bahay pagkatapos ng taping, ganito rin pala ang kanyang drama kapag nasa commercial shoot.

Tama ba ang narinig namin na nagpapabalot rin ng pagkain si Divine kapag merong shoot ng commercial ang kanyang anak na si Sarah Geronimo?

Alam na alam na nga raw among the production staff sa commercial ang ganitong drama ni Divine kaya hindi na sila nagugulat na meron siyang dala-dalang plastic boxes para sa pagkaing kanyang iuuwi.

Ang drama raw nito, titingnan ang mga nakahaing food sa buffet table at pipili ng kanyang mga gusto.

Turo raw lang ito nang turo sa kanyang alalay kung ano ang mga kukuning food.

At siyempre, ang alalay ang kukuha ng pagkain, of course, under the instruction of Sarah’s mom.Hindi na  raw nagtataka ang production  na ang dami-daming pagkaing ipinapabalot ni Divine.

Kumbaga, natural scenario na raw iyon.

Ang ipinagtataka lang nila, ang yaman-yaman na ni Sarah pero parang until now ay naghaharimunan pa ang kanyang ina at parang ayaw gumastos sa pagkain.

Sa dami raw kasi nang nahaharbat nito ay ilang araw na rin silang makakakain nang libre at hindi na nagluluto.

At si Sarah, tila hindi naman niya kayang pagsabihan ang kanyang ina sa ginagawa nito.

Siyempre, carry ba niyang pangaralan ang kanyang mother dear na tila omniscient ang drama palagi kaya siya ang laging nasusunod.

Hindi ba kayang sawayin ni Sarah ang kanyang ina na hindi nagiging maganda ang dating sa mga tao ng gingawa nitong pag-uwi ng pagkain tuwing may event ang kanyang anak?

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: