Skip to content

MAJA: Alam ni KIM ang mga nangyayari!

January 10, 2013

maja salvadorIpinagtanggol ang tunay nilang ‘relasyon’ ni Gerald

Resbak ni Kim: Walang totoong kaibigan sa showbiz!

HINDI na talaga okay sina Maja Salvador at Kim Chiu, saksi kami sa hindi nila pagpapansinan nang magkita sila sa standby area ng cast ng Ina Kapatid Anak para sa presscon ng kanilang serye.

Ito’y dahil nga sa nalantad na relasyon ngayon nina Maja at Gerald Anderson na ex-boyfriend niya.

Bukod dito ay nabalitaan din naming hindi na rin sila “magkadikit” sa ASAP noong Linggo, dati kasi ay parang kambal ang dalawa na hindi mapaghiwalay.

“Magkahiwalay sila noong Linggo, nasa dressing room si Kim, si Maja naman nasa labas lang,” kuwento sa amin ng isang source sa ASAP.

At tila hindi na rin ito itinago nina Maja at Kim dahil kahit na maraming tao sa hallway ng Luxent Hotel kung saan ginanap ang presscon ng Ina Kapatid Anak ay dedmahan na talaga sila.Kaya naman pagkatapos ng question and answer portion sa presscon ay pinuntahan na namin ang dalawang aktres na noong una’y magkalapit pa ng upuan.

Maya-maya ay tumayo si Kim, “Masikip dito, hindi tayo kasya, lipat tayo,” sabi niya sa amin na hindi na kami nakasunod pa dahil nasa tabi na namin si Maja kaya inuna na namin itong kausapin.

Kaya bago kami umuwi ay nakiusap kami sa head adprom ng unit ni Deo Endrinal na si Biboy Arboleda na interbyuhin namin si Kim ng solo dahil hindi namin siya nakausap, pero sabi sa amin, “Tapos na Reggs, maawa tayo sa bata.” Pero hindi pa rin kami umalis doon kaya napilitan na rin kaming pagbigyan.

Sa tanong namin kay Kim kung ano ba ang natutunan niya sa nangyaring ito sa best friend niyang si Maja? “Walang totoong kaibigan sa showbiz!” ang diretsong sagot nito.

Tanong uli namin kay Kim, ‘Okay ka na?” na sinagot niya ng, “Yes, oo naman, ganu’n talaga, oo naman.”

Matagal na ba niyang alam ang tungkol kina Gerald at Maja? “Ah, recently lang, siyempre mga last week of December, mga Jan. 1, but I  saw pictures end of December.”

Ipinaalam ba sa kanya ng best friend niya na sila na ni Gerald? “Yeah, she asked me and then nagpaalam, inisip ko, bakit siya magpapaalam?” teary-eyed ng kuwento ni Kim.

“And then sabi ko sa kanya, ‘Go, happy ako for both of you.’ Kasi ayoko namang maging bitter sa kanilang dalawa, I’m happy for them,” garalgal na ang boses ni Kim.

“Nasayang lang ‘yung friendship, siyempre nu’ng time na down ako, siya ‘yung kausap ko, ‘yun parang nawala na,” say pa ng dalaga.

Diretso naming tinanong kung affected na ang friendship, “Siyempre, di ba, ikaw ba pag may kaibigan kang ganu’n?

Siyempre, nalungkot lang ako dahil parang na-betray, nilunok mong lahat ng sinabi mo dati sa akin,” naiiyak nang sabi ni Kim.

Kumusta naman ang working relationship nila, “Okay naman, maganda naman ‘yung eksena namin, e, kayang-kaya naman namin ‘yun, we’re both professional and wala, keri lang.”

At dito namin tinanong kung kinausap ba siya ni Gerald tungkol dito, “Ay, hindi kami nag-uusap!” mabilis niyang sabi.

Akala namin ay okay na sila ni Gerald pagkatapos nilang gumawa ng movie, “Tsika lang ‘yun! Ano ba!?” Sabay sabing, “But friends na kami nu’ng guy, pag dumadaan-daan, ‘hi’ ganu’n, tsika lang.

Sa Instagram ko nga, marami silang bashers silang dalawa, sana maging masaya na lang ‘yung mga tao.”

“Kung nagmamahalan sila, kung anong ginagawa nila ngayon, sana maging masaya sila at sana maging masaya na lang tayo sa kanila,” pilit ang ngiting sabi ni Kim.

Habang kinakausap namin si Kim ay nagi-guilty kami dahil ramdam namin na sobrang nasasaktan siya at pinipigilan lang niyang umiyak.

Kaya pagkatapos ng interbyuhan ay abut-abot ang pasalamat namin sa dalaga, sa handler niyang si Portia Dimla, sa program manager ng Ina Kapatid Anak na si Kylie Manalo-Balagtas at siyempre, sa adprom head na si Biboy Arboleda.

Samantala, alam kaya ni Maja na mas pinili siya ni Kim kaysa sa mga kaibigan niya sa dati niyang grupong ChiuRiGoGoBaSchu (Melissa Ricks, Erich Gonzales, Beauty Gonzales ng PBB Teen, Kitkat at Empress)?

Tapos heto lang pala ang nangyari sa kanilang pagkakaibigan?

Anyway, gusto naming malaman kung ano naman ang mga rebelasyong mangyayari sa book two ng Ina Kapatid Anak sa Enero 14 dahil babandera na raw ang katotohanang magkapatid sina Kim at Maja bilang sina Celine at Margaux na may tema pa ngang ahasan?

Kasama pa rin nila rito sina Janice de Belen, Cherry Pie Picache, Ariel Rivera, Eddie Gutierrez, Pilar Pilapil at marami pang iba. Sina Jojo Saguin at Don Cuaresma pa rin ang direktor ng serye.

Kung alam na ni Kim na sina Maja at Gerald na ay hindi naman ito diretsahang inamin ni Maja.

Kaya raw sila nakitang magkasama sa Misibis Bay Resort sa Bicol ay dahil sa bridal shower ng pinsan niya.

Nagkayayaan daw sila noon pa ni Gerald sa bakasyong ito at siya raw mismo ang nag-suggest sa binata na maganda roong magbakasyon.

Umiwas din ito sa tanong kung posible bang maging boyfriend niya si Gerald, at ang binata na lang daw ang tanungin kung nanliligaw ba ito sa kanya.

Tinanong din si Maja kung alam ba ni Kim ang pagsasama nila ni Gerald sa Misibis Bay Resort at sa iba pang lakaran?

“Simula sa umpisa, alam ni Kim kung ano ang mga nangyayari, si Kim na lang ang tanungin ninyo.”

Totoo ang hindi na siya pina-follow ni Kim sa Twitter at Insagram? “Siguro si Kim na lang ang sasagot niyan,” kaswal na sabi ng aktres.

Idinagdag din ni Maja na inimbita rin daw niya si Kim sa Misibis Bay, “Invited siya. Siyempre vacation mode, so siyempre kasama ang family,” sagot pa nito.

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: