Skip to content

KIM tinraydor ni MAJA: Kinain niya lahat ng mga sinabi niya!

January 10, 2013

kim chiuNawasak ang pagkakaibigan dahil kay Gerald

‘Bahala na siya! Kilala niya kung sino si Gerald!’

NAKAKALOKA ang sitwasyon ngayon ng dating magkaibigan na sina Kim Chiu at Maja Salvador.

Pagkatapos ng presscon ng book 2 ng seryeng Ina Kapatid Anak ng ABS-CBN ay literal na kinuyog ang dalawang dalaga para hingan ng komento about Gerald Anderson.

Balitang-balita na kasi ang pagkakaroon ng relasyon nina Maja at Gerald at alam naman nating lahat na ex-boyfriend ni Kim si Gerald at best friend naman niya si Maja.

Sabi nga namin, tila nagkatotoo ang mga eksena nila sa kanilang serye.

Nagsimula ang isyung ito nang kumalat sa internet ang mga photos nina Maja at Gerald na kuha noong nagbakasyon sila sa Misibis Bay sa Legaspi City. Pagkatapos nga nito, sumabog na ang kuwentong magkarelasyon na ang dalawa na naging dahilan naman ng pagkasira ng friendship nila ni Kim.

Inamin naman ni Majs na nagkasabay sila sa eroplano ng grupo ni Ge papuntang Bikol pero prior to that ay nagkausap na sila at nagkayayaan ngang sa Misibis mag-spend ng bakasyon noong holiday season kasama ang mga kaanak at iba pa nilang kaibigan, “Lakad barkada ‘yun,” hirit pa nito.

Pero nang matanong kung may katotohanan ang tsikang nagkakamabutihan na sila, ang naging tugon lang niya ay, “Hindi ko masasagot iyan at ayaw kong sagutin.”

At dahil magkatrabaho sila ni Kim, sinabi rin niyang wala silang problema sa set ng Ina Kapatid Anak, sa katunayan daw ay maayos na maayos naman ang kanilang pagtatrabaho sa book 2 ng kanilang soap opera.

Nang makapanayam naman namin at ng ibang press si Kim ay parang iba naman ang tono ng pagsasalita nito.

Ramdam mo sa bawat sagot niya ang hinanakit kay Maja.

“For me, I’m happy for them. Wala naman pong masama, pareho naman po silang single.

Maging masaya na lang po tayo para sa kanilang dalawa,” ang unang pahayag ng dalaga na nangingilid na ang mga luha.

“Nakakalungkot lang, kasi yung friendship, nasayang.

Nagulat ako, e, and nabigla.

Hindi ko ine-expect na mangyayari itong ganito. Di ba parang… bakit? I’m not… hindi naman ako bitter na kung anuman ang nangyayari sa kanila.

But I’m happy for them.

“Parang nalungkot lang ako kasi yung taong (Maja) sinabihan ko nu’ng time na down ako du’n sa… (kay Gerald), ‘yung parang kinain niya lang yung sinabi niya,” pahayag pa ni Kim.

At tulad ni Maja, sinabi rin ni Kim na walang problema sa professional side ng kanilang relasyon, wala naman daw tensiyon sa set ng kanilang proyekto, “We’re good, we’re okay.

But I don’t care… I don’t care about them. Bahala na siya. She knows Gerald… who Gerald is.”

In fairness, humingi naman daw si Maja ng permiso sa kanya about Gerald, “Yes, she asked permission.

And then I said, bakit kailangan pang magpaalam, e, wala na ako kay Gerald.

Kaya medyo naaano lang ako na ang daming tao na nagtatanong sa akin about Gerald.

Bakit? Di ba, parang ang tagal na, three years na? Ang dami pang babaeng dumaan after ko.”

At bilang mahal namin ang tatlong bagets na ito, parang ayaw na naming magkomento.

Pero sigurado kami na malaki pa rin ang maitutulong ng gulong ito sa Ina Kapatid Anak dahil maku-curious ang mga manonood kung magiging makatotohanan ang bawat eksenang gagawin ng dalawang leading lady sa serye bilang sina Celine at Margaux.

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: