Skip to content

HEART kay CHIZ: Sana forever na kami ayoko na ng iba!

January 10, 2013

chiz escuderoSa lahat ng naging boyfriend niya kay senator lang siya nagpakatotoo

ANG fresh-fresh ng itsura ngayon ni Heart Evangelista at ibang-iba na rin ang pananaw niya ngayon pagdating sa pakikitungo sa entertainment, kung noon daw ay grabe siyang maapektuhan ng mga tsismis at intriga, ngayon daw ay wala na siyang pakialam.

Hindi na siya nahe-hurt sa mga paninira sa kanya at sa mga taong mahal niya.

Nakachika namin ang Kapuso actress sa presscon ng bago niyang teleserye sa GMA 7, ang Forever na magsisimula na sa Lunes pagkatapos ng Eat Bulaga kung saan makakasama niyang muli ang isa sa favorite leading man niya na si Geoff Eigenmann – at kitang-kita namin sa aura niya ang tunay na kaligayahan.
“You know, I really don’t care anymore kahit na anong sabihin nila, kahit na anong maging comment nila kasi lahat naman tayo may mga masasabi sa kahit anong issue.

Maybe, nag-mature na talaga ako kasi ibang-iba na ‘yung naiisip ko compared noong bata-bata ako,” esplika ng Kapuso actress.Tinanong din kay Heart ang tungkol sa ex-boyfriend niyang si Daniel Matsunaga na nali-link ngayon kay Kris Aquino.

May nagbibiro kasi na presidential sister ang apple of the eye ngayon ni Daniel samantalang siya naman daw ay “senatoriable girlfriend”.

“I’m happy for…kung saan siya masaya. Ewan ko sa kanya. Bahala siya,” ang tugon ni Heart.

Biniro uli siya na mahilig daw pala talaga sa babaeng isinilang ng Feb. 14 ang ex-BF niya.

Magka-birthday (Feb. 14) sina Heart at Kris.

“Good for him,” ang tanging reaksiyon ni Heart na halatang wala nang interes pang pag-usapan si Daniel.

Nang mapadako na sa boyfriend niyang si Sen. Chiz Escudero ang kuwentuhan ay biglang nag-glow ang itsura ni Heart.

Siya pa ang nagbalita na eight months na silang may espesyal na relasyon.

At wish nga niya, sana raw ay pang-“forever” na si Chiz, “Sana…ayoko na talaga, e (ng ibang lalaki).

In all fairness, sa lahat ng mga naging boyfriend ko, talagang ano siya… I really get along with him.

“Mahilig kasi ako na magkuwento, ganyan.

Nagkakasundo talaga kami.

Hindi pa kami nag-aaway.

I’ve been dating him for eight months now.

Siguro kaya siya nagwo-work para sa amin, mature siya and he’s super smart.

“Everything—we talk about life, experiences, everything.

Siya lang ang naging honest ako about everything.

I could really be myself kasi when I started to date him, ang ano ko talaga, ayoko munang mag-boyfriend.

“So kung may manliligaw sa akin, hindi na ako magpapa-cute.

Hindi na ako magpapanggap na ganyan ako, ganito ako.

Accept me for who I am na.

Kasi alam naman natin, in the beginning, kakayanin mo, pero in the end, babalik ka rin kung sino ako.

“I was very clear about that.

And siya naman, parang…conversation was so good and I learned so much with life—ang dami kong natutunan,” say   ni Heart.

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: