Skip to content

Virgin pa si MEG IMPERIAL? ‘No comment po!’

January 9, 2013

meg imperial“NO comment!” ang matunog na sagot ng young sexy star na si Meg Imperial nang tanungin ng entertainment press kung virgin pa siya until now sa edad na 19.

Sa presscon ng launching movie niyang “Menor de Edad” under Viva Films ay hindi diretsahang sinagot ni Meg kung siya’y birhen pa o kung may naka-score na sa kanya?

Masyadong personal na raw kasi ang bagay na ito para ibandera pa niya sa publiko.

Ayon kasi sa dalaga, kahit daw nakadalawang boyfriend na siya, e, very proud niyang masasabi na walang “physical contact” na naganap noong karelasyon niya ang mga ito.

“Mga bata pa naman kasi kami noon, wala pang muwang sa mundo!” depensa pa ni Meg na marami palang kamukhang artista.

May anggulo siyang kahawig si Marian Rivera, may kuha naman siyang parang sina Kris Bernal at Iya Villania.

“Tsaka no comment na lang, kasi kapag sinabi kong yes, virgin pa ‘ko, maraming magre-react sasabihin, ang arte-arte ko. Tapos kapag no naman, feeling ko marami rin ang magre-react, so no comment na lang para hanggang du’n na lang ang usapan,” sey pa ng dalaga.

Well, kung kami ang tatanungin, mukhang virgin pa naman si Meg, pero siguradong “nakatikim” na rin ‘yan kahit paano! Ha-hahaha! Ano kayang ibig sabihin ng kahit paano?

Anyway, napalaban daw talaga si Meg sa mga love scene nila ni Wendell Ramos sa “Menor de Edad” na showing na sa Jan. 23 sa mga sinehan nationwide.

Though hindi naman siya nagpakita ng boobs at pwet sa movie, napakarami raw nilang halikan at churvahan ni Wendell.

Say pa ni Meg, ginawa raw niya ang lahat ng ipinagawa sa kanya ni direk Joel Lamangan dahil malaki ang tiwala niya rito na hindi siya mababalahura.

Kaya kung nabitin kayo sa sexy pictorial ni Meg sa December, 2012 issue ng FHM, ito na ang pagkakataon n’yo para mas mabusog ang inyong imahinasyon, watch na kayo ng “Menor de Edad” kung saan makakasama rin sina JC Parker at Ara Mina na gaganap namang magdyowa sa movie. yes, tomboyan naman ang drama nina Ara at JC dito.

In fairness, kahit medyo baguhan pa lang, marami nang napatunayan si Meg pagdating sa akting, umapir na siya sa ilang teleserye ng TV5 tulad ng Glamorosa at Enchanted Garden.

Hirit pa ng dalaga, “Mahirap mag-say ng ‘no’ sa ganyang offer.

Big break ko na po ito at nangako ako sa Viva na gagawin ko ang makakaya ko para sulit ang tiwala nila sa akin.

Malaki naman din po ang tiwala ko sa kanila dahil magaling na director ang humawak sa pelikula naming, si direk Joel.

Alam kong magandang lalabas ang pelikula namin kaya hindi na po ako nag-inarte pa.”

For updates, log on to “Menor de Edad’s” Facebook fan page.

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: