Skip to content

VICE GANDA: Hindi naman manyak si KRIS, ‘no!

January 6, 2013

vice gandaWalang balak hanapan ng bagong boyfriend ang kanyang ‘asawa’

IBINUKING ni Vice Ganda na type talaga ni Kris Aquino si Daniel Matsunaga dahil iba raw ang kislap ng mga mata ng Queen of All Media noong ginagawa nila ang “Sisterakas” at nang maging guest co-host ang binata sa Kris TV nitong Disyembre.

“Wala namang namamagitan sa kanila, walang special pa, feeling ko lang type nila ang isa’t isa kaya lalo ko siyang inaasar,” unang kuwento ni Vice nang makausap namin.

“Nakikita ko ‘yun sa mata ni Kris at sabi ko sa kanya, ‘Crush mo ‘yan (Daniel) na idini-deny naman niya, hindi talaga niya inaamin kaya lalo ko siyang binubuyo.

Tapos sabi niya, ‘Uy, tapos na ‘yung movie, pag naipalabas na ‘yan, tigilan mo na ‘yang running joke mo na ‘yan ha!’ Tapos sabi ko sa kanya, ‘E, tigilan mo na rin ‘yang arte-arte mo!’” tumatawang kuwento ni Vice.Napansin naman daw ni Vice kay Daniel ang pagiging mabait nito at feeling niya ay type rin ng binata si Kris kaya lang mukhang intimidated si Daniel sa kaibigan niya, “Natatakot siya sa laki ng pangalan ni Kris, di ba nakaka-intimidate naman talaga ang pangalang Kris Aquino?”

Pero aminado si Vice na boto siya kay Daniel para kay Kris.

Pero hindi naman daw siya ‘yung tipo ng kaibigan na maghahanap ng lalaki para ireto kay Kris, natatawa pa ngang sabi ni Vice,

“Hindi naman manyak si Kris para hanapan ko ng lalaki, ‘no! Ha-hahaha!”

Samantala, ilang araw na hindi napanood si Vice sa Showtime nitong pagpasok ng Enero at base sa tsika sa amin ng isang taga-ABS-CBN dahil daw ‘yun kay kuya Kim Atienza nu’ng nagkaroon sila ng talakan sa ere dahil sa isang batang lalaking contestant na gustong magdamit babae na hindi pinayagan ng huli dahil baka raw masita sila ng MTRCB.

At dito na nagkaroon ng pagtatalo sina Vice at kuya Kim dahil contest daw iyon at bakit kailangang pagbawalan ang bata sa gusto nitong gawin?

Hanggang sa hindi na nga pumasok si Vice sa Showtime kasi masama raw ang loob niya at kilala raw ang TV host-comedian na kapag may hindi siya gusto ay bigla na lang siyang mag-a-absent kaysa makitang may topak siya sa TV.

Ang paliwanag ni Vice sa thanksgiving party niya noong Biyernes, “Nagbakasyon ako, kasi matagal na akong humihingi ng bakasyon, nu’ng Bagong Taon lang nila ako pinayagang magbakasyon, gusto ko namang magpahinga.”

“Hindi talaga kami nagkapikunan ni kuya Kim, actually nagpalitan pa nga kami ng regalo, eh,” paglilinaw ni Vice.

Tinanong namin kung ano ang regalo ni Vice kay kuya Kim, “Lahat ng DVD ng pelikula namin (Showtime hosts) na hindi niya napapanood, kasi parati namin niloloko ‘yun na hindi kasi siya pumupunta ng premiere night ng mga pelikula ng kahit isa sa amin, kaya sabi namin, wala naman talaga siyang pinapanood na pelikula namin kasi puro imported (foreign film) lahat pinapanood niya,” tumatawang kuwento ni Vice.

At ang regalo naman daw ni kuya Kim kay Vice, “Libro! Boring nga, no!” tumatawang sabi ng komedyante.

“Sabi ko nga, kuya Kim, alam mo namang hindi ako palabasa, tapos sabi niya, ‘Kaya nga para magbasa ka!’”

Napanood na si Vice sa Showtime kahapon, dapat sana’y sa Lunes pa ang balik niya pero pinabalik na raw siya ni direk Bobet Vidanes, “Kasi nga si Anne (Curtis), wala pa rin.”

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: