Skip to content

LOTLOT matindi pa rin ang tampo kay ATE GUY

January 6, 2013

lotlot de leonPagkatapos nang mahabang panahon ay nagkita na pala at nagkasundo ang dating magbiyenang Ms. Pilita Corales at Lotlot de Leon.

Nag-ugat ang hindi nila pagkakaunawaan dahil sa mga isyung kinasangkutan nina Lotlot at Ramon Christopher Gutierrez dahil sa kanilang paghihiwalay.

Natural, ina ni Monching si Tita Pilita, alangan namang si Lotlot pa ang kanyang kampihan.

Humaba ang kontrobersiya na humantong pa sa pagpapalitan nila ng mga hindi kagandahang salita.

Naiwan sa poder ni Monching ang kanilang mga anak ni Lotlot, ang mag-ina ang nagpaaral sa mga bata, pero hindi naman ipinagdamot ni Monching ang pagkakataong makita ni Lotlot ang kanilang mga anak.
Diretsong magsalita si Tita Pilita, kapag tinatanong ito tungkol kay Lotlot ay natural lang na emosyonal ang kanyang sagot, nagbibigay rin naman ng kanyang panig si Lotlot tungkol sa isyu.Pero may paraan ang panahon para gumamot kahit ng malalalim na sugat, nu’ng nakaraang Pasko ay pinadalhan ng Christmas card ni Tita Pilita si Lotlot, ginantihan naman ‘yun ng respeto ng aktres.

Nagpunta siya sa bahay ng kanyang dating biyenan, nagkasama-sama sila nu’ng Pasko, kumustahan lang ang namagitan sa kanila at kusa na nilang binura sa kanilang mga puso ang mga hindi kagandahang alaala ng nakaraan.

Ngayong nagkasundo na si Lotlot at ang ina ni Monching ay may kasunod pang katanungan ‘yun.

Kailan naman daw kaya sila magkakasundo ng kanyang ina, idenay man ng aktres ang katotohanan ay maraming nakakaalam na may problema sa pagitan nila ng kanyang inang Superstar, susunod na raw kaya ang kaganapang ‘yun?

Isang source ang nakapagsabi sa amin na hanggang ngayo’y may matinding tampo pa rin si Lotlot sa kanyang ina, si Matet daw ang malapit sa Superstar, hiling nila na sana’y maging maayos na rin ang relasyon nina Lotlot de Leon at Nora Aunor.

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: