Skip to content

SARAH naiyak, nanginig habang iniinterbyu tungkol kay GERALD

January 5, 2013

sarah geraldGigil na gigil naman si Sarah Geronimo habang binabalikan ang mga hindi niya makakalimutang experience noong 2012.

Sa isang thanksgiving party na kanyang ibinahagi sa mga kaibigan sa media, nakipagkuwentuhan ang dalaga at natural na naging topic ang mga mahahalagang pangyayari sa kanyang buhay noong nagdaang taon, lalo na ang tungkol sa kanyang lovelife.

“Never naman po akong nagtago o naglihim.

Talaga lang may mga bagay na hindi talaga siguro ukol,” ang bahagi ng tsika ng Pop Princess kasabay ng pakiusap sa kanyang mga detractors na sana’y tigilan na raw ang pangba-bash sa kanyang dearest mother na si Mommy Divine.

“Talagang nagpipigil lang po ako.

Masyadong unfair sa parents ko lalo na sa mommy ko ‘yung mga sinasabi nilang sobra nang nakikialam sa personal na buhay ko. Wala silang ideya kung ano talaga ang buong kuwento kaya sana this 2013, tumahimik na ang lahat,” ang halos umiiyak na tsika ni Sarah habang binabalikan ang  pangyayari sa kanila ni Gerald Anderson.

Magkaibigan pa rin naman daw sila ni Gerald pero sarado na ang chapter tungkol sa kung anumang relas-yon meron sila noon, gagamitin na lang daw niyang inspirasyon ang “sakit” na kanyang naranasan sa mga nangyari.

“Sabi nga po nila, every heartache, nag-iiba ang level ng pain.

Ang importante ay kung paano mong haharapin at gagawing positive ang sakit na naidulot nito sa buhay mo,” sabay hirit na kung may darating na bagong lalaki sa buhay niya ay bahala na ang Diyos doon.

She’s turning 25 na ngayong taon.

At bilang regalo sa kanyang sarili, nakahanda na raw siyang mas maging independent sa lahat ng bagay, “Nakapag-usap na po kami nina mommy at daddy.

Masaya na ako na finally, nauunawaan nila ako bilang isang babae at tao.

But it doesn’t mean naman po na hindi na rin ako magiging masunuring anak kung alam ko namang para sa kabutihan ko ang ginagawa nila,” sey pa ni Sarah.

Tinatapos ngayon ni Sarah ang third installment ng pelikula nila ni John Lloyd Cruz na “It Takes A Man And A Woman”.

Ito na raw ang last part ng kuwento ni Laida at ng kanyang Bebe (Lloydie) na nagsimula nga sa “A Very Special Love” at sinundan ng “You Changed My Life”.

Aalis sila ni John  Lloyd sa katapusan ng January para mag-shoot sa New York, ito’y sa direksiyon pa rin ni Cathy Garcia-Molina.

This year din magse-celebrate ng kanyang 10th anniversary sa industriya si Sarah kaya aba-ngan daw ng mga Popsters ang mga pasabog ng kanilang idolo ngayong 2013!

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: