Skip to content

SARAH: Gusto ko kasal muna bago anak!

January 5, 2013

sarah geronimoSa mga hulang mabubuntis daw siya ngayong 2013

USAP-USAPAN ngayon ang mga hula sa Pop Princess na si Sarah Geronimo.

May nagsabi kasi na mabubuntis daw siya ngayong 2013 ng isang lalaking susunod na maging boyfriend niya after Gerald Anderson.

Hindi lang matukoy ng nanghula kung artista rin ito o non-showbiz guy ang makakabuntis kay Sarah.

Kaya nu’ng thanksgiving party ni Sarah para sa mga kaibigan niya sa entertainment press, isa sa mga naitanong sa kanya ang tungkol sa nasabing hula for this year.

Natawa lang nu’ng una ang TV host-actress-singer, sabay sabing hindi naman daw siya naniniwala talaga sa mga hula, aniya, nasa tao pa rin ang kanyang tadhana at kung ano raw ang gustong mangyari ng Diyos, ‘yun daw ang dapat na paghandaan ng isang tao.

“Sana mapangalagaan ko naman ang lahat ng values na natutunan ko mula sa mga magulang ko, ‘yung paniniwala ko na ang marriage muna bago magkaroon ng anak, sana mapanindigan ko po ‘yun.“Ayoko naman po kasing masayang ‘yung pag-iingat sa akin nina mommy at daddy, tsaka ‘yung pagiging magandang ehemplo rin sa mga kabataan, sana maipagpatuloy ko.

Tsaka wala pa po talaga sa isip ko ang mga bagay na ‘yan,” paliwanag ni Sarah na ang payat-payat ngayon.

Dagdag pa niya, “Ayoko naman po kasing maniwala sa mga hula, kumbaga, hindi naman ako against sa mga manghuhula, pero dapat sa Diyos pa rin tayo naniniwala.

Tsaka, dapat magkaroon muna ng manliligaw na matiyaga, bago boyfriend.

Grabe naman kayo, buntis agad-agad!”

Anyway, speaking of lovelife, pagkatapos ng dalawang failed relationships niya with two male celebrities (Rayver Cruz and Gerald Andeson), mas type raw niya sana ang non-showbiz na boyfriend.

“Nandu’n po ‘yung preference na sana non-showbiz, kasi siyempre alam naman natin na mahirap na nama-magnify ka, gustong malaman ng lahat kung anong progreso na, kung ano na nangyayari sa relasyon ninyo… so mahirap,” anang dalaga.

Inamin din niya na hindi lang dalawang beses siyang nakaranas ng heartbreak, “Kahit naman wala pa ako sa show business, may mga heartaches na rin.

Masyado kasi akong sheltered kaya pag na-brokenhearted ako, wasak talaga.

Ganu’n talaga ako, grabe talaga.

“Iba ako magbigay ng tiwala kasi akala ko, kung paano kita pagkatiwalaan, ganun mo din ako pagkakatiwaaan.

Kung gaano kita minamahal, ganu’n mo rin ako mamahalin.

“Dapat matagal ko nang natutuhan na i-guard talaga ang puso ko.

Dapat talaga makita mo kung ano siyang tao.

Pag nai-in love kasi tayo, nawawala lahat ‘yun, nakakalimutan mo,” sabi pa ng Pop Princess.

Para sa mga nagtatanong naman na Popsters, tuloy na tuloy na ang pagsasamahang pelikula nina Sarah at Coco Martin na may titulong “Forever Is Not Enough”.

Magsisimula na ang taping nila very soon at posibleng maipalabas sa darating na June.

Aside from that one year na rin ang Sarah G Live at may bonggang regalo si Sarah para sa kanyang fans.

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: