Skip to content

AHAS: Willie sisikat pa rin, pero…

January 5, 2013

Ni JOSEPH GREENFIELD
Bandera resident psychic

Ikaapat na serye
SI Willie Revillame ay patuloy sa kanyang pagsikat, ngunit sa kalagitnaan ng taon hindi rin siya makaliligtas sa kamandag ng Itim na Ahas, sa buwan ng Hunyo hanggang Setyembre sa mga petsang 4, 13, 22, 31, 1, 10, 19, at 28, masasangkot siya sa iskandalong imoralidad.

Kung noong dati ay nalulusutan niya ang mabibigat na mga intriga, sa pagkakataong ito, ang nasabing kaso ng imoralidad ang unti-unti ng magpapabagsak ng kanyang magandang career.

Ngayong taon, si Vic Sotto ay mag-iisip na lumagay sa buhay na tahimik sa piling ni Pauline Luna.

Posibleng sa kala-gitnaan hanggang sa huling hati  ng taon, may maganap na pag-iisang dibdib, na ikatutuwa ng marami, ngunit ikalulungkot ng mga taong malalapit kay Vic Sotto.Ito ay magaganap sa buwan ng Hunyo, Setyembre hanggang Disyembre, sa petsang 2, 16, 20 at 29, sa araw ng Lunes, Miyerkules at Linggo.

Kasabay nito mabibingit sa kritikal ang kalusugan ni Agimat, Sen. Bong Revilla, sa buwan ng Pebrero hanggang Mayo sa mga petsang 4, 13, 22, 8, 17, at 26 sa araw ng Martes, Biyernes at Sabado.

Kung makaliligtas sa malubhang karamdaman, posibleng may maganap na car accident naman.

Bago matapos ang taon, tuluyan nang magkakabalikan sina Dra. Vicky Bello at Hayden Kho, subalit hindi rin sila makakaligtas sa kamandag ng Ahas na Itim.

Sari-saring demanda ang aabutin ni Dra. Vicky Bello habang patuloy naman sa pag-angat at tagumpay ang karibal niyang sina Dr. at Dra. Calayan.

Sa buong taon, ma-nanatili ang masayang relasyon nina Dingdong Dantes at Marian Rivera, na mauuwi sa kasalan.

Kasabay nito kung hindi magpapakatatag, may babala namang magkahiwalay na sina Robin Padilla at Mariel Rodriguez dahil sa third party na iuumang sa kanilang relasyon ng Itim na Ahas.

Ito ay magaganap sa buwan ng Hunyo hanggang Agosto sa petsang 7, 16, at 26, sa araw ng Lunes, Miyerkules at Sabado.

Biglang guguluhin ng Itim na Ahas ang career ni Sarah Geronimo at bago tuluyang mapabalitang buntis, ipapasya na niyang mag-asawa, na magaganap sa huling quarter ng taon sa buwan ng Setyembre hanggang Disyembre, sa mga petsang 4, 13, 22, 31, 6, 15, at 25.

Sa nasabing panahon, kung hindi mag-iingat may babala na sila ay mawalan ng malaking  halaga at maaari biglang masunugan.

Mananagumpay ang magkapatid na Raymond at Richard Gutierrez sa kanilang career, ngunit sa huling quarter ng taon, sa Nobyembre hanggang Disyembre, sa petsang 6, 15, at 24, sa araw ng Biyernes, Sabado at Linggo, isa sa kanila ang biglang makakabuntis ng kapwa nila showbiz personality na ikagugulat ng marami ngunit mauuwi pa rin ang lahat sa kasalan.

Bago matapos ang taon, maglaladlad si Piolo Pascual ng tunay na kasarian at hahangaan ng karamihan ang kakaibang lakas ng loob na kanyang ginawa.

Magaganap ito sa buwan ng Setyembre hanggang Disyembre sa mga petsang 6, 15, 24, 9, 18 at 27.

Itutuloy

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: