Skip to content

KRIS nabwisit sa blogger: personal na ang tinira niya!

January 4, 2013

kris aquinoKasalukuyang nagbabakasyon sa Amerika ang mag-iinang Kris Aquino, Joshua at Bimby nang makarating sa kanya ang review ng blogger na si J.I.E. Teodoro sa pelikulang “Sisterakas” kung saan nakasama niya sina Vice Ganda at Ai Ai delas Alas.

Nabanggit ng blogger na inilathala sa GMANetwork.com noong Dec. 31 na si Ai Ai daw ang saving grace ng “Sisterakas” na may comment pang “shamelessly, money-trip movie, driven purely by profit.”

Ayon pa sa blogger, “Ironic that the backdrop of the story of this movie is the fashion world which is supposed to be about class and taste, but this movie is a twisted celebration of poor taste.”

At dahil malayo nga si Kris ay sinagot niya sa Twitter ng review ng nasabing blogger, “Read the piece. Simple reply, how sad for him because I’m here to stay & will try my best to bug him for many years more!”

At sinagot din ni Kris ang isa niyang Twitter follower na sinabing biased ang pagkakarebyu ng karakter niya sa “Sisterakas”, “Actually it wasn’t a review, more of a personal attack against me, that’s y I am grateful to my audience because you negate his view.”Dagdag pa ni Kris, “OA na hatred for me di ba?

Hehehe. kaya para lalong ma-buwisit by February iI’ll be on TV 12X a week! Kris TV (5 days), KKI(5 days) &  PGT(2).”

Ang mga nabanggit na programa ay ang Kris TV (mula Lunes hanggang Biyernes, 8 a.m.) seryeng  Kailangan Ko’y Ikaw sa gabi (mula Lunes hanggang Biyernes din) at Pilipinas Got Talent (tuwing Sabado at Linggo).

Hangga’t maaari ay ayaw nang pumatol ni Kris sa bashers niya pero kapag pinepersonal na raw siya ay hindi niya maiwasang ipagtanggol ang kanyang sarili lalo na kapag alam niyang siya’y nasa katwiran.

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: