Skip to content

Goodbye ‘BARON-BADO’, Hello ‘BARON-BAGO’

January 4, 2013

baron geislerPangako  (na naman) niya raw sa pagpasok ng 2013

MAY naniniwala pa kaya sa sinabi ni Baron Geisler na magbabago na siya ngayong 2013?

Ilang beses na ba siyang nangako na magiging “Baron-Bago” na siya at tuluyan nang kakalimutan ang bansag sa kanyang “Baron-Bado”?

In fairness, meron pa naman.

May mga nakausap kami na nagsabing hangga’t nangangakong magbabago ang isang tao ay dapat na bigyan ng chance.

Siguro raw ay kailangan lang talagang tutukan ng kanyang pamilya at ng mga taong nangangalaga sa kanyang career ang pagbabantay  para hindi na muling maligaw ng landas.

Magandang magsimula uli si Baron ngayong 2013 pagkatapos nga siyang patawarin ng dalawang taong nagawan niya ng hindi maganda bago  matapos ang 2012. Kung matatandaan n’yo pa, nang malasing ang aktor sa MVP Ball last month ay balitang binastos daw niya ang mga Kapatid talents na sina Edgar Allan Guzman at Divine Lee. Nasa TV5 na  ngayon si Baron.

Tinawagan na raw ni Baron ang TV host-model na si Divine Lee para mag-sorry, at okay na rin daw sila ni Edgar Allan.

Sa nakaraang MMFF 2012 awards night, nakausap ng ilang press ang aktor na kasama nga sa bagong fantasy series ng TV5 na Kidlat starring Derek Ramsay, at nangako nga siya na ididiretso na ang kanyang buhay.

Aniya sa nasabing interview, “I have some things na kailangan kong gawin, makikita ninyo na lang.

Pero I promise na ginagawan ko ng paraan, pero I’m not taking things lightly.

Gagawin ko ang lahat para maging maayos ang new year ko.”

Sa huling interview namin sa manager ni Baron na si Arnold Vegrafria, naniniwala siyang misunderstood lang ang aktor, kaya hindi raw nila ito iniiwan sa ere dahil higit kailanman daw ay ngayon kailangan ni Baron ang guidance.

May bipolar disorder din si Baron Geisler.

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: