Skip to content

AHAS: Nora ‘matutuklaw’; Angel mabubuntis

January 4, 2013

Ni JOSEPH GREENFIELD
Bandera resident  psychic

Ikatlong serye
ANG mga artista at pangunahing personalidad sa showbiz ay hindi makaliligtas sa kamandag ng Itim na Ahas.

Sa Unang Hirit  ng Taon, sa buwan ng Enero hanggang Marso, mapapabalitang dadapuan ng malubhang karamdaman ang Best Actress na si Nora Aunor, dahilan upang muli siyang  mamahinga sa paggawa ng pelikula at mga telenobela.

Kung hindi magbabakasyon sa tahimik na lugar, lalong lalala ang karamdaman at maaari niyang ikasawi.

Nagbabanta ang malaking trahedya sa ABS-CBN, sa buwan ng Enero hanggang Abril.

Malaking sunog ang masasaksihan na ikalulungkot ng mga artista at iba pang nagmamahal sa industriya; na ikasusugat at ikasasawi ng maraming tao – magaganap sa mga petsang 4, 17, at 22 sa araw ng Bi-yernes, Sabado at Linggo.

Ang pagluluksang ito ay sasabayan ng biglaang pagkasawi ng babaeng beterana sa pagpro-produce ng pelikula na may initial na M.L.M.V. dahil sa malubhang karamdaman.

Hindi maganda ang dulot ng Itim na Ahas sa career at family life ni Angel Locsin.

Sa Ikalawa at Ikatlong Hati ng Taon, sa buwan ng Abril hanggang Agosto, sa mga petsang 4, 13, 22 6, 15, 24, 8, 17 25 at 26, sa araw ng Miyerkules, Huwebes at Sabado, mababalitaang siya ay nagdadalang tao sa  non-showbiz personality.

Sa simula, ide-deny niya ito ngunit habang lumalaki ang tiyan, aaminin na rin niya ang katotohanan habang siya ay nasa ibang bansa.

Kasabay nito si Judy Ann Santos ay pansamantalang titigil na sa paggawa ng pelikula, upang mag-concentrate sa pamilya,

Ngunit isang babae, taga-showbiz din, ang mali-link kay Ryan Agoncillo.

Kung hindi magpapakatatag ang mag-asawa, posibleng  mauwi sa paghihiwalay ang sisibol na problema.

Magaganap sa buwan ng Marso hanggang Hulyo, sa mga petsang 1, 10, 19, 28, 2, 11, 20 at 29, sa araw ng Biyernes, Sabado at Linggo.

Sa buong taon, patuloy sa magniningning ang career nina Vice Ganda, Kris Aquino at Ai-Ai delas Alas.

Iyon nga lang, kahit suwerte sa career, silang tatlo ay sasansalain din ng lupit ng Itim na Ahas, kung saan, walang permanentang pag-ibig at pakikipa-relasyon silang mapapala.

Kung tagumpay sa career, lagi naman silang lolokohin ng mga nagi-ging ka-partner nila, kaya labis na pagluha at kalungkutan sa pag-ibig ang isusukli sa kanila ng makamandag na Itim na Ahas sa buong taon.

Samantala, magiging maganda ang takbo ng career ni Lovi Poe, su-balit,  sa kalagitnaan ng taon, sa buwan ng Mayo hanggang Setyembre, sa mga petsang 1, 7, 17 at 26, sa araw ng Martes, Miyerkules at Biyernes, posibleng bigla siyang  mabuntis o kaya naman’y  maaaksidente sa biyahe sa Norte, na maaaring ikasawi niya.

Itutuloy

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: