Skip to content

JULIA MONTES nababaliw kay COCO, selos na selos kay ANGELINE QUINTO

January 2, 2013

coco martinDINALAW daw ni Coco Martin si Angeline Quinto sa taping ng seryeng Kahit Konting Pagtingin noong Dec. 28 sa may Commonwealth Avenue, sa Q.C.

Magkaibigan naman talaga sina Coco at Angeline, ang kaso baka maging isyu ito kay Julia Montes na karelasyon daw ngayon ng aktor.

Pero kahit hindi aminin ni Julia, may nakapagsabi sa amin na pinagseselosan daw nito si Angeline.

Anyway, gagampanan ni Angeline ang isang kundoktora ng bus na biyaheng Fairview to Alabang sa seryeng Kahit Konting Pagtingin na airing na sa Jan. 21.

Isa kami sa bumabati sa dalaga dahil dalawang taon pa lang siya sa showbiz ay may bagong bahay na siya at dito siya nag-celebrate ng Bagong Taon kasama ang pamilya pero tila hindi masaya si Angeline dahil na-miss niya ang mga kaibigan sa Sampaloc, Maynila.

Nasanay na raw kasi ang dalaga na bago magpalit ng taon ay nasa kalye siya at nagpapaputok ng bawang, labintador at kuwitis, kasama ang mga kaibigang kasabay niyang lumaki.Zero rin ang lovelife ngayon ni Angeline dahil hindi pa niya kering magkaroon ng boyfriend ngayon dahil priority niya ang career, sabi nga, strike when the iron is hot.

Sina Paulo Avelino at Sam Milby ang leading men ni Angeline sa Kahit Konting Pagtingin mula sa direksyon ni Darnell Villaflor.

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: