Skip to content

ALJUR nakipaghiwalay na kay KYLIE, mas pinili ang trabaho kesa sa lovelife

January 2, 2013

kylie aljurSa wakas, natupad na rin daw ang wish ni Robin

TOTOO raw na hiwalay na sina Aljur Abrenica at Kylie Padilla, mukhang mas matimbang daw ang pagmamahal ng Kapuso young actress sa amang si Robin Padilla kesa sa boyfriend niyang si Aljur.

Ayon sa mga chika, pormal na raw na naghiwalay ang ang dalawa bago pa mag-Bagong Taon.

Hindi lang sure ng aming source kung sino ang nakipaghiwalay, pero ayon sa mga balita, si Aljur na ang nagdesisyon na layuan na si Kylie dahil na rin sa respeto nito kay Binoe.

Kaya nga nang tinanong daw si Aljur kung ano ang wish niya sa pagpasok ng 2013, ang naging tugon ng hunk actor, “Well, more lovelife. Ha-hahaha!

Hindi, joke lang!”

Sa isa namang interview, nagmaang-maangan pa si Aljur sa totoong estado ng relasyon nila ni Kylie, “Break? Ni Kylie? Wala namang magbi-break kundi naman kami.”

“Well, alam naman ng tao, e, di ba? Kaya nga maraming tao ang nagre-react, e.

Di ba nga, hindi nga tumitigil? Gusto  ko na lang gawing personal yung mga usapin na ganyan.

“Kasi bawat tao naman meron tayong mga personal na bagay na kini-keep natin sa buhay natin.

And yung mga espesyal na bagay, lalo pagdating sa lovelife, alam naman ng tao, e.

Ayoko lang kasi manggaling sa akin yung word na ‘oo.’

“What you see is what you get na lang.

Ayoko na lang magsabi, ayoko mag-confirm na lang.

Gusto kong i-personal na lang,” pahayag pa ni Aljur sa nasabing interview.

Kung totoo ngang hiwalay na sina Kylie at Aljur, sure na sure kaming si Binoe ang unang-unang matutuwa, very open kasi ang action star na hindi siya masyadong boto kay Aljur dahil feeling niya, hindi nito kayang panindigan ang pagmamahal sa kanyang anak na dalaga.

May nakarating naman sa amin na pinapili raw si Aljur ng mga taong nangangalaga sa kanyang career, kung uunahin niya ang lovelife o ang kanyang trabaho, at mas pinili raw ng actor ang kanyang work.

Natatandaan pa naming sabi ni Aljur, “Hindi pa rin natin siyempre pababayaan ang career natin, ang trabaho.

Hindi naman natin ipagpapalit ‘yan sa kung ano yung naipundar natin sa showbiz.

Ini-enjoy ko at nag-e-enjoy lang ako sa trabaho ko at buhay ko.”

Read between the lines na lang tayo.

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: