Skip to content

JULIA pinalabas na sinungaling si ENCHONG

December 30, 2012

enchong juliaKahit buking na, ayaw pa ring aminin ang naging relasyon

FINALLY, inamin na rin ni Enchong Dee na talagang naging sila ni Julia Montes sa panayam niya kay Charlene Gonzalez-Muhlach sa The Buzz noong nakaraang Linggo.

Ilang beses na naming nasulat ang tungkol sa relasyon nina Enchong at Julia pero ilang beses din nila itong itinanggi, kaya dedma na lang kami lalo na noong yakapin kami ni Enchong sa presscon ng “The Strangers” at sabay bulong ng, “Alam mo naman, di ba ate?” kaya hindi na namin siya dinikdik pa.

Nakakatawa lang na si Julia hanggang sa huling sandali ay talagang idinenay si Enchong, sa madaling salita ay pinalalabas niyang sinungaling ang aktor?

Kaya naman kahit na anong build-up sa amin ng handler ni Julia na nagsasabi ng totoo sa kanya ang alaga niya ay napapangiti na lang kami kasi alam namin ang totoo, marahil hindi rin nagtatapat sa kanya ang batang aktres ng tunay na naging relasyon nila ni Enchong.Anyway, nakuha naman ni Enchong ang simpatya ng ibang tao at ilang katoto dahil nga malambing at malapit siya sa entertainment press, hindi katulad ni Julia na tila walang kakilalang taga-media.

Ang layu-layo ng dalaga sa kasabayan niyang si Kathryn Bernardo na marunong makisama sa press kaya naman marami siyang kaibigan sa mga ito at maski na anong tanggi rin nila ni Daniel Padilla sa kanilang relasyon ay hindi na sila kinukulit pa ng ating mga kasamahan sa panulat kasi nga natatakpan ito ng maganda nilang pakikitungo sa media.

Sabi kasi ng mga malalapit kay Julia, “Hindi kasi plastic si Julia, what you see is what you get.” Oo nga, hindi siya plastic, pero denial princess siya, di ba bossing Ervin? (Ha-hahaha! Talagang idamay ako sa issue, Reggs! – Ed)

At huling tanong namin kay Julia, kailan naman niya aaminin ang relasyon nila ni Coco Martin? O, baka naman hiwalay na sila? ‘Yun lang!

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: