Skip to content

ANGEL may problema sa matris, posibleng hindi na manganak

December 28, 2012

Angel LocsinAyon  sa mga hula para sa taong 2013

Anyway, may isa pang hula si Robert Das, dapat daw ay magpatingin sa doktor si Angel Locsin dahil baka meron itong diperensiya sa matris kaya hindi mabubuntis.

“Sayang naman ang ganda at galing sa pag-arte ni Angel kung mamomroblema siya sa panganganak.

Nakikita ko kasing hindi siya mabubuntis kaya dapat magpa-check-up siya as soon as possible,” ang medyo concerned namang pahayag ni Robert Das.

Naalarma kami kahit paano sa balitang ito dahil that’s the hardest and most painful part of being a woman – ang malaman na hindi ka mabubuntis dahil baog ka or merong diperensiya sa matris.

Ayaw ni former Miss Universe Sushmita Sen niyan na nagsabing the essence nga raw of being a woman ay ang manganak at maging ina.

Sana ay hindi ito totoo sa part ni Angel Locsin dahil we have high hopes and wishes for her happiness one day. Mabait kasing bata si Angel at matulungin sa kapwa kaya gusto namin lahat ng positive sa buhay ay mangyari sa kanya.

“Sabihin pa nating SERA (echosera) lang itong si Robert Das, there’s no harm in trying.

Wala namang mawawala kay Angel kung magpa-check-up siya, di ba?

Mabuti na yung maaga pa lang ay maagapan pa niya, malay mo, tulad ng nangyari sa hula niya sa iyo na naging totoo.

Okay na ring magpatingin sa doktor si Angel kung nangangarap siyang maging ina one day.

Masarap magkaanak, it makes a woman complete,” anang isang kapitbahay kong babae.

O siya, siya. Sasabihin namin kay Angel iyan once na magkita kami.

Kawawa naman siya kung totoo nga ang hula ni Robert Das.

In fairness to Robert, positive naman ang hula niya for the year 2013 – Year of the Snake-Water daw.

Magaan daw ang buhay for all Filipinos – masaya ang showbiz.

Iyon nga lang, may malaking lindol daw sa bandang Visayas at Mindanao between March 3 and 13 next year kaya dapat nating ipagdasal na huwag itong matuloy.

A hula is a hula is a hula – at puwedeng kontrahin ‘yan with our prayers, di ba?

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: