Skip to content

PAULO AVELINO ikinahiya si LJ REYES, pati ang sariling anak?

December 23, 2012

paulo avelinoTakot na takot daw kasing matanong tungkol sa pamilya

HINDI raw nagustuhan ni Paulo Avelino ang mga tanong ni kuya Boy Abunda nang mag-guest daw ito sa program ng huli.

Hindi raw nito nagustuhan ang mga tanong that mentioned his relationship with LJ Reyes.

Nasuklam daw ang aktor at ang kampo nito lalo na ang manager nitong si Leo Dominguez dahil it was something daw very private na hindi na raw dapat pang itinanong.

Pero sinagot na lang daw niya iyon para hindi mapahiya ang host.

Wait lang, Paulo! Bakit? Anong masama sa tanong ni Kuya Boy?

Nasusuklam ka dahil na-mention si LJ Reyes na totoo namang ka-live in mo at may anak kayo, di ba?

Kasi, balak ninyong linlangin ang publiko by making them believe that you are unattached at very bachelor ang dating. Yes, you are a bachelor pero the whole world knows na may lovechild kayo and in fact, still live together.

Ikinahihiya mo ba ang istado mo?

Bakit nagsasama pa rin kayo sa isang bubong kung unhappy ka pala sa ganitong tanong?

That’s very stupid of you para ma-badtrip.

Artista ka at dapat handa ka sa anumang mga intrigang dumating sa buhay mo.

Mabuti sana kung gawa-gawa lang ni kuya Boy ang mga tanong na iyon, sana kung imbento lang.

Pero hindi eh, totoo lahat ng sinabi ni kuya Boy kaya walang mali roon.

Dapat hindi ka nag-artista kung ayaw mong makalkal ang estado mo.

Kasama sa pakete ng pagiging aktor ang paghandaan ang anumang kontrobersiya that would come your way.

Ikinahihiya mo bang may anak ka? Ikinahihiya mo ba ang relasyon mo kay LJ Reyes?

Bakit hindi mo hiniwalayan ang babae kung ayaw mo pala itong mapag-usapan?

At sino ka para turuan si kuya Boy kung ano lang ang puwedeng itanong sa iyo?

Who do you think you are? The biggest star of the land?

Wait lang, hindi porke nakakapit ka sa pader ay dapat ka nang magmalaki.

Pasalamat ka nga’t nakapasok ka sa Walang Hanggan na nagbigay sa iyo ng biggest break mo sa telebisyon.

Huwag nga tayong magmalinis sa mundong ito, malapit na raw magunaw ang mundo Paulo kaya dapat maging totoo tayo sa sarili natin.

Ma-badtrip ka kung hindi totoo ang lumabas sa bibig ni kuya Boy.

Para namang nakagawa ng napakalaking krimen si Kuya Boy sa iyo.

Gusto n’yo pa yatang diktahan si kuya Boy.

Teka lang naman Paulo.

Di ka yata nag-iisip eh.

You think you’re there na para mamili ng gusto mong tanong.

Di ba totoo namang karelasyon nitong si Paulo na ito si LJ Reyes?

Tsaka totoo namang may anak sila, di ba?

If my memory serves me right, sumunod pa nga si Paulo sa New York many years back nung ipinanganak ni LJ ang baby nila.

Nang lumipat itong si Paulo sa ABS-CBN ay balitang pinagbawalan siya ng namamahala sa career niya na amining may anak siya or live-in girlfriend or what.

Para naman siyang nag-dios-diosan at hindi puwedeng matanong tungkol dito.

Kung may nagbabawal sa iyo, problema mo iyan.

Basta we’ll just stick to the truth. Hay naku, ke bago-bago pa lang. Tumigil ka, Paulo!

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: