Skip to content

Kagandahan at ugali ni Cristine peke, binabaligtad pa si Ara

December 23, 2012

OLYMPUS DIGITAL CAMERAPasko na, pero hanggang ngayon ay wala pa ring nagaganap na milagro para magkasundo ang magkapatid na Ara Mina at Cristine Reyes.

Mukhang totoong-totoo sa kanilang sitwasyon ang pagdiriwang ng Kapaskuhan na may kasamaan ng loob.

Kung kilala nga namin si Ara Mina ay madali lang namang masolusyunan ang problema nilang magkapatid, maramdaman lang niyang sinsero ito ay napakadali niyang mapatatawad si Cristine, pero ‘yung palabasin pang siya ang kailangang manghingi ng paumanhin ay isang kalokohan para sa kanya.

Ipinipilit pa kasi nitong si Cristine na ganu’n daw kasi ang kanyang ugali, kapag alam daw nito na ibang tao ang may mali ay hindi bale na, mas kaya raw nitong tanggapin na hindi sila magkasundo kung ito pa ang hihingi ng tawad.

Sabi ng isang malapit sa magkapatid, “Ayan na naman si AA, kung anu-ano na namang kababalaghan ang pinagsasasabi niya sa mga interview. Hingi na raw siya nang hingi ng sorry, siya na nga raw ang nagpapakumbaba kahit pa alam niya namang wala siyang kasalanan, pero tigas pa rin sa pagmamalaki ang ate niya.

“Hello! Si Hazel pa? Iba ang mga sinasabi ni Cristine sa mga ginagawa niya!

‘Yun ang mahirap, e, kapag naniniwala na mismo ang may katawan sa mga kasinungalingan niya.

Sobrang sinungaling ng babaeng ‘yun!” sabi nito.

Kay Cristine talaga nababagay ang kasabihan na madaya ang itsura lang.

Kundi mo kilala ang dalagang ito ay siguradong para kang nakasakay sa tsubibo na mapaniniwala nito, magaling maglubid ng kuwento si Cristine, parang totoong-totoo ang kanyang mga sinasabi.

Kay Ara Mina kasi ay hindi na kailangan pang dumating ang panahon ng Kapaskuhan para lang magkasundo silang magkapatid.

Handa siyang magpatawad anumang panahon, kahit anong oras, basta nararamdaman niyang sinsero si Cristine sa pagpapakumbaba.

“Nakakaloka nga ang babaeng ‘yun, e!

Kung gaano ka-fake ang maraming parts ng body niya, e, ganu’n din siya ka-fake bilang tao,” napapabuntong-hininga na lang na konklusyon ng aming source.

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: