Skip to content

BARON huling-huli sa akto ng TV5 BOSSING habang lumalaklak ng alak

December 23, 2012

baron geislerItatago pa sana ang boteng binalot sa manila paper

PINUNTAHAN pala ni Joan Banaga, executive ng TV na may kinalaman sa hero serye ni Derek Ramsay, si Baron Geisler para kausapin tungkol sa nasangkutan niyang pambabastos sa MVP Ball kamakailan.

Initially, ayaw lumapit ni Baron pero napilitan na rin siguro siya dahil may katarayan si Joan.

Amoy na amoy raw ni Joan ang alak paglapit ni Baron pero nagpigil siya.

As expected ay itinanggi raw ni Baron ang mga issue sa kanya lately, ‘yung pagnanakaw ng halik kay Divine Lee, ‘yung pagsasabi niya ng, “You’re cheap!” kay IC Mendoza at ‘yung pambabastos niya kay Edgar Allan Guzman.

He explained his side of the matter to Joan.

But while he was talking, Joan noticed na merong hawak na something si Baron na binalot sa manila paper.

When she asked what it was, wala lang ang sabi ng aktor, soda lang daw ito.Pero hindi kaagad naniwala si Joan.

Bakit nga naman kailangan pang ibalot sa manila paper kung soda lang nito.

When Joan insisted na alisin ang cover ng soda, ayun, nakita niyang alak nga ito.

So pinagsabihan niya ang binata na ‘wag uminom habang nagte-taping.

Tinawagan ni Joan ang manager ni Baron pero hindi niya ito ma-reach sa cellphone.

Ipinatawag na lang niya ang handler ng aktor at pinagsabihang huwag papayagan ang kanyang alaga na uminom habang nagtatrabaho.

Ang nakakaloka pa ay humiling pa raw itong si Baron kay Joan na ilakad siya nito sa network executives para maging contract artist ng Singko.

Sagot naman ni Joan, paano niyang gagawin ‘yun kung wala naman siyang nakitang pagbabago sa aktor.

Oo nga naman.

It doesn’t make sense na nagpapatulong kang maging certified na Kapatid star pero ayaw mo namang tigilan ang iyong bisyo.

Actually, noong MVP Ball pala ay hindi lang sina Divine, IC at Edgar Allan ang nakaengkuwentro ni Baron.

We were told na pinagsabihan na siya ni Derek na mag-behave dahil sa pinaggagagawa niya.

Naroon daw na natapakan niya sa paa si Wendell Ramos na nagpigil na lang at hindi siya pinatulan.

Actually, nagpapapansin daw itong si Baron kay Nadine Samonte noong gabing iyon.

Pero sorry na lang dahil Nadine did not make pansin him. That incensed Baron siguro.

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: